Sunday , December 22 2024

Bomba ‘itinapon’ sa US emba (Gawa ng Maute group – Gen. Bato)

112916_front

INIHAYAG ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, ang bombang narekober sa Roxas Boulevard, Maynila malapit sa US Embassy ay katulad sa eksplosibo na ginamit sa Davao City bombing.

Ginawa ni Dela Rosa ang kompirmasyon sa kanyang pagtungo sa headquarters ng Manila Police District (MPD) sa lungsod ng Maynila.

Paliwanag ni PNP chief, ang improvised explosive device (EID), ma-tagumpay na na-diffuse ng Explosive ang Ordnance Division (EOD), ay katulad ng uri ng bomba na ginamit ng mga suspek noong Setyembre sa night market ng Davao City.

Lumabas aniya sa i-nisyal na pagsusuri ng PNP Bomb Data Center, kapareho ang nasabing bomba sa ginamit ng local terror group na Maute. Ito ay gawa sa 81mm mortar at may blasting cap.

Hindi inaalis ni Gen. Dela Rosa ang posibilidad na ang Maute group din ang nasa likod nang pagtatanim ng bomba sa Maynila lalo ngayong kasagsagan ang pagtugis ng mga awtoridad sa grupo sa bayan ng Butig, Lanao del Sur.

Samantala, todo-pasalamat ang US Embassy sa agarang aksiyon ng mga awtoridad sa hinihinalang bomba na narekober kahapon ng umaga sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay U.S. Embassy Press Attaché at First Secretary Molly Koscina, nagpapasalamat sila sa PNP at sa isang empleyada ng lokal na pamahalaan na nakakita sa package.

Batay sa deskripsiyon ng streetweeper na si Wilfreda  Francisco, ang nasabing bagay ay nakita niya sa loob ng isang trash can na may 25 metro ang layo mula sa embahada.

Namataan ang kahina-hinalang package sa Baywalk sa southbound lane ng Roxas Boulevard, sa loob ng kulay orange na basurahan.

Ito ang sinasabing parang may bote ng gin at may cellphone at nakakabit doon ang ilang wirings.

Ayon kay Francisco, nang makita niya ito ay medyo mainit kaya agad siyang dumulog sa security guard ng US Embassy na siyang nakipag-ugnayan sa Manila Police District.

ni Leonard basilio (May kasamang ulat sina Maribeth Barines, Jam Breboneria at Ruth Liman)

IED SA US EMBA
‘DI GOV’T PLOY
— PNP

MARIING itinanggi ni PNP Chief Ronald dela Rosa ang alegasyong gawa-gawa ng gobyerno ang natagpuang improvised explosive device (IED) sa harapan ng US Embassy kahapon ng umaga.

Reaksiyon ito ni Dela Rosa nang matanong hinggil sa paratang na baka gobyerno ang may pakana ng IED para may dahilang magdeklara ng Martial Law.

Sinabi ni Gen. Dela Rosa sa press conference sa Maynila, imposibleng gawin ito ng gobyerno dahil ikatatakot, ikaaalarma at ikamamatay ito ng sarili niyang mamama-yan.

Ayon kay Dela Rosa, “for God’s sake” hindi gagawa nang ganito ang pamahalaan para lamang sa Martial Law na aniya’y hindi nila pinag-uusapan.

Naniniwala si Dela Rosa, posibleng may kinalaman sa Maute group ang responsable sa pagtatanim ng IED sa US Embassy.

Kung hindi aniya terorista ay maaari ring aplikante ng US visa na na-deny at nagalit sa embahada.

Utos ng Palasyo sa PNP
SEGURIDAD SA PUBLIC
AREAS HIGPITAN

INIUTOS ng Malacañang sa Philippine National Police (PNP) ang paghihigpit ng seguridad sa matataong lugar kasu-nod nang natagpuang improvised explosive device (IED) malapit sa US Embassy kahapon ng u-maga.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, inatasan ang kinauukulang transport agencies na dagdagan ang deployment ng uniformed personnel sa airports, seaports, bus at mass transport terminals at higpitan ang screening sa mga pumapasok na tao at bagahe bilang bahagi ng security vigilance.

Ayon kay Andanar, kanilang tinitiyak sa publiko na hindi dapat maging sanhi nang pagkaalarma ang insidente at tuloy lamang ang mga aktibidad sa normal na paraan.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *