Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tulay para sa pagbabalik ni Kris Aquino

At pagkatapos ng Q and A ay kinumusta si Kris Aquino kay Vice.

“Alam mo kanina habang nag-iinterbyuhan tayo (Q and A), kaya hawak ko ang telepono ko kasi tumatawag siya (Kris), kasi nasa bahay siya at may nakasalubong siya sa elevator na ano (sabay tawa ni Vice), ‘ay nakasalubong ko sa elevator si ano, chu chu chu. Mayroon kasi siyang iniintriga sa akin.

”Kris Aquino is a very strong woman, kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon, kayang-kaya niya ‘yan, mamaniin niya ‘yan. Sa rami ng pinagdaanan ng pamilya niya, ito pa bang mangyayari ngayon, hindi niya kakayanin? Kering-keri ni Kris ‘yan. Tatawanan lang niya ‘yan,” masamang sagot ng TV host.

Hindi man daw sila nagkikita ni Kris ay nagkakausap naman daw sila parati at si Bimby daw ay nagkakausap sila thru face time.

At kung si Vice ang masusunod ay gusto niyang magkasama pa rin sila ni Kris sa ABS-CBN, “ayaw natin ng naghihiwalay, mas maganda kung iisang pamilya tayo para masaya.”

Inalam namin kung totoong si Vice ang namamagitan kay Kris para kausapin si ABS-CBN Chief Operating Officer na si Ms Cory Vidanes para ipaalam na gusto na nitong bumalik sa Kapamilya Network.

“Ay hindi naman totoo ‘yan. Kris never asks me to do anything, to be like a bridge or middleman, wala. Actually hindi nga namin pinag-uusapan ‘yun, eh. Tuwing mag-uusap kami, naghaharutan lang kaming dalawa, masaya kami.

“Ako kasi kapag alam kong malungkot ang kaibigan ko, ayaw ko siyang palungkutin, at hindi rin ako madawdaw o pakialamera o tsismosa. Kung hindi siya (Kris) magkukuwento, hindi rin ako nagtatanong. And since hindi rin naman niya ino-open lahat, feeling ko gusto niya masaya lang kami,” paglilinaw ni Vice.

Saang network na raw si Kris ngayon? “Ayokong magtanong at ayoko ring maramdaman niya na kapag tinawagan ko siya, nagpi-fish ako. Gusto ko kapag nag-uusap kami, kaming dalawa ‘yung pinag-uusapan. Ayokong maramdaman niyang kumukuha ako ng tsismis.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …