Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

INC handa para sa tema sa 2017

111116_front

IPINAGDIWANG ng Iglesia ni Cristo (INC) ang ika-61 kaarawan ni Executive Minister Eduardo V. Manalo ngayong Linggo sa paglulunsad ng tema na “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo” para sa taong 2017 na magbubuklod sa milyon-milyon na kapanalig sa panawagan na naglalayong iangat sa kabatiran ng mundo ang paglagong nakamit ng Iglesia mula nang ito ay maitatag sa Sta. Ana, sa Maynila.

Ayon sa General Auditor ng INC na si Bro. Glicerio B. Santos Jr., ang kalulunsad na tema ay kumakatawan sa mga programa ng agresibong pagpapalawak, at naglalayong magsilbing inspirasyon sa mga kaanib nito na lalo pang paigtingin ang pamamahayag at pag-abot sa mga nangangailangang hindi kabilang sa INC.

“Sa ilalim ng pangangasiwa ni Ka Eduardo Manalo, nasaksihan ng INC ang ganitong malawakang paglago mula nang manungkulan bilang Tagapangasiwang Pangkalahatan noong 2009. Sa loob lamang ng nakalipas na limang taon, napasinayaan at naihandog natin ang 1,642 kapilya, na ang 74 ay nasa ibayong dagat. Nasa lahat na kontinente na ng mundo ang Iglesia,” masayang ibinunyag ni Santos.

“Patuloy na dumarami ang yumayakap sa pananampalataya at sa Iglesia, na hindi na mapigilan ang paglago mula nang itatag sa pamamagitan ni Ka Felix Manalo noong 1914. Kami ay naniniwala na naisakatuparan ito dahil sa Kanyang gabay, sa pangunguna ni Ka Eduardo, at sa halimbawa ng bawat kapatid at komunidad ng Iglesia – at ito ay dapat na ikarangal ng bawat isang kapatid sa INC,” ayon kay Zabala.

Ang INC ay may mga kongregasyon sa buong mundo. Matatagpuan ang mga kongregasyong ito sa 130 bansa at teritoryo sa 6 na kontinente.

Mula nang maitatag noong 1914 ng kauna-unahang Tagapangasiwang Pangkalahatan na si Felix Y. Manalo, ang INC ang isa sa pinakamalaki at pinakamabilis na lumagong pananampalataya sa bansa at sa buong mundo.

“Upang matingnan ang paglago ng Iglesia sa angkop na pananaw, alalahanin natin na ang Iglesia ay lumalago pa lamang ang bilang sa Filipinas noong isilang si Ka Eduardo.”

“Sa buong administrasyon ng kapatid na Eduardo V. Manalo, ang bilang ng mga umanib sa Iglesia ay lumago nang hindi pangkaraniwan. Ito ang dapat na ikarangal ng lahat ng nasa Iglesia dahil lahat ng kapatid, sa kanilang sariling pagpupunyagi at kaparaanan, ay kabahagi sa walang kapantay na paglago,” dagdag ni Santos. ( JSY )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About JSY

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …