Friday , November 15 2024

Temperatura sa Baguio, patuloy na bababa

111016-baguio-market
TAHIMIK ang tatlong magkakarugtong na palengkeng Baguio City Public Market, Block 4 Market, at Hangar Market sa Baguio City sa buong linggo pero inaasahang dadagsain ito ng mga turista lokal at dayuhan sa darating na weekend lalo’t bumabagsak na ang temperatura sa Pine City at nalalapit ang pagdiriwang ng Adivay Festival. (ROWENA A. MARQUEZ)

BAGUIO CITY – Nagsimula nang maramdaman ang ginaw sa Summer Capital of the Philippines nang maitala ang aabot sa 13.6 degrees Celsius na temperatura kahapon ng umaga.

Ayon sa PAGASA-Baguio, patuloy pang bababa ang temperatura sa lungsod at sa lalawigan ng Benguet sa susunod na mga araw hanggang Pebrero sa susunod na taon.

Sinabi ng weather bureau, inaasahang mas mababa pa ng dalawang sentegrado ang temperatura sa matataas na lugar sa Benguet, tulad ng munisipyo ng Atok, maging sa Mt. Pulag sa bayan ng Kabayan.

Dahil dito, inaasahan ang pagbuhos nang mas marami pang turista sa Lungsod ng Baguio at sa Benguet lalo na’t ipinagdiriwang din ang Adivay Festival.

Magugunitang ang pinakamababang temperatura sa kasaysayan ng City of Pines ay naitala noong Enero 19, 1961 na umabot sa 6.3 °C.

( Rowena A. Marquez )

About Rowena Marquez

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *