MAGKASAMA sina Ms Julie Ann R. Benitez at Ms Kylie Manalo-Balagtas na nakita rin namin sa ELJ Building papunta ng Whistle Stop para i-meet sina Direk Antoinette Jadaone, Andoy Ranay, at writer ng Till I Met You na si Shugo Praico.
Hinabol namin ang dalawang TV executives ng Dreamscape Entertainment at tinanong kung ano ang statement nila sa ipinadalang sulat ni MTRCB Chairman Attorney Eugenio ‘Toto’ Villareal sa taga-TIMY noong Nobyembre 2 tungkol sa episodes na umere noong Oktubre 25 na ipinakitang steamy love scene ng JaDine kahit na may rating itong SPG o Strong Parental Guidance.
Iba pa ‘yung reklamong nakarating sa MTRCB na October 27 at 28 episodes din ng TIMY na may bathtub scene at PG o Parental Guidance ang rating.
Diin ni Atty. Toto sa sulat, “considering that ‘PG’ and ‘SPG’ ratings still admit the reality of having young audiences, the Board shall expect you to present your side at the said conference which shall be before a committee particularly designated for the matter.”
Ayon kay Ms Kylie, “magmi-meeting pa lang po kami ngayon nina direk para po pag-usapan lahat, tapos sa November 10 pa po ang punta namin sa MTRCB.”
Nakasalubong din namin si direk Antoinette at sabay tanong kung totoong hanggang ngayong Nobyembre na lang ang Till I Met You base sa mga naririnig naming kuwentuhan ng mga katoto at nasulat pa sa pamamagitan ng blind item.
“Parang hindi naman po, so far steady lang naman ang show namin, ‘yung hanggang November, parang hindi rin naman. Alam ko mahaba pa kami,” seryosong sabi sa amin.
Anyway, may napagtanungan naman kami tungkol sa mga binabanggit na episode na inireklamo sa MTRCB.
“Hindi naman na 1960’s ang set-up ng ‘Till I Met You’ para hanggang kamay lang ang puwedeng hawakan at ipakita sa TV, computer age na tayo ngayon at saka late naman na umeere ‘di ba? Hindi naman maaga?
“Mas matitindi pa nga ‘yung mga eksena sa ‘Pasion de Amor’ dati na before ‘TV Patrol’ umeere, puro sexy ang suot ng mga babae at matitindi rin ang mga kissing scene, lagi nga naka-topless ang mga lalaki. Mas maaga ang timeslot niyon,” katwiran sa amin ng mga nanonood ng Till I Met You.
May katwiran din naman ang viewers ng TIMY, hindi kaya masyadong na-over ang reactions ng mga nagpadala ng reklamo sa MTRCB?
FACT SHEET – Reggee Bonoan