Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, walang ka-date kaya ‘di nakarating sa Star Magic Ball

WALA kapwa sina Coco Martin at Julia Montes sa nakaraang Star Ball na na rati’y taon-taon naman ay present sila.

Hindi na kasi Star Magic talent si Julia kaya obviously, hindi na niya kailangang dumalo dahil baka hindi naman siya inimbitahan lalo’t wala rin si Coco na date sana niya noong gabi.

Hindi rin nakarating si Coco sa PMPC Star Awards for TV para personal na tanggapin ang tropeo para sa napanalunang Best Drama Actor para sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, kaya si Ms. Dagang Vilbar na isa sa program manager ng Dreamscape Entertainment ang tumanggap para sa aktor.

Paliwanag ni Ms. Dagang noong makita namin siya sa hallway ng Novotel Hotel kasama si direk Manny Palo kaya wala si Coco sa Star Magic ball.

“Nagte-taping ng ‘Probinsyano’, naghahabol nga sila kaya wala, kita mo ngayon, wala rin siya.  Kaya ako ang narito,” sabi sa amin.

Hirit namin kung bakit wala rin si Julia at kung bakit wala na sa Star Magic? “Ay wala po akong alam, hindi ko masasagot ‘yan,” nakangiting sagot ulit sa amin.

At kaya wala naman si Coco sa Star Awards ay dahil nagso-shooting naman ng pelikula nila ni Vice Ganda, kuwento mismo sa amin ni Deo T. Endrinal nang tanungin namin sa presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

“Naghahabol kasi sila ng pelikula ni Vice, ito ‘yung pang Metro Manila Film Festival, so kailangang matapos na,” sabi sa amin.

Tinanong din namin kung totoong wala na rin sa Star Magic si Coco.

“Ay hindi ko alam, alam ko nandoon pa rin, si Biboy (Arboleda) ang tanungin mo siyempre siya ang manager ni Coco, wala akong alam d’yan.

“Basta ang alam ko, kaya wala si Coco sa Star Magic ball, may taping ng ‘Probinsyano’, at kaya wala rin sa Star Awards, may shooting sila ni Vice,” diin sa amin ng TV executive

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …