Friday , November 22 2024

Yeng, gustong sundan ang yapak nina Rey Valera at Vehnee Saturno

SA nakaraang presscon ng Divas Live in Manila concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Nobyembre 11 ay naka-one-on-one namin si Yeng Constantino at binati namin sa tagumpay ng musical play na Ako Si Josephine na ginanap sa PETA at produced ng Cornerstone Concerts and Events.

Maraming nagandahan sa mga huling araw ng Ako Si Josephine kaya tinanong namin si Yeng kung may rerun, ”I think, may plano po kasi maraming demands, good po ‘yun. Sana nga magkaroon kasi you want to extend a good project para mas marami pang makapanood,” masayang sabi ng singer/songwriter at isa sa hurado ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime at Pinoy Boyband Superstar.

Napanood namin ang Ako Si Josephine at sinabi naming nabitin kami sa mga kantang ginamit dahil umabot lang sa 20 songs, eh, hindi lang naman iyon ang hits ni Yeng.

“Actually nga po, ‘yung mga hits song ko na inilagay doon, kaunti lang tapos sinamahan ng mga kantang hindi (sikat),” katwiran ni Yeng.

Payo nga namin na dagdagan ang mga kanta ni Yeng sa rerun, ”sana po,” saad nito.

If ever daw na magkakaroon ng rerun ay isasama na ang kantang isinulat niya para kay Erik Santos na may titulong Sino Ba Ako Sa ‘Yo at ‘yung isinulat din niya kay Angeline Quinto na dalawang kanta na kasama na sa album nitong lalabas.

“Hopefully po, magamit sila sa rerun ng ‘Ako Si Josephine’ mayroon din ako (isinulat) for kay KZ (Tandingan), if ever,” nakangiting sabi ni Yeng.

Wala pa raw nasusulat na kanta ang PopRock Princess para sa R & B Princess na si Kyla.

Sobrang overwhelmed nga raw si Yeng dahil, ”si tito Martin (Nievera) nga po, sabi niya, ‘uy sulatan mo ako ng kanta’, nakaka-happy naman po kasi nakaka-gain na ako ng attention that way as a songwriter.”

Ibinabase raw ni Yeng sa personalidad ng isang singer ang mga kantang isinusulat niya, ”ngayon po, ‘yung kay Erik Santos, inisip ko lang na, ‘ano kayang magandang sound for Erik’ at maganda naman ‘yung feedback at nasa top 10 ng MYX, so at least na-introduce na siya in a brand new way music na R & B Pop Ballad pa rin. Even po ‘yung kay Angge, mayroon akong R & B na inilagay sa kanya, pero ‘yung isang forte niya which is ballad, sobrang sakit na kanta.

“Kay KZ naman para sa upcoming album niya, nakalimutan ko na, pero mayroong one song po,” kuwento sa amin.

Nakilala si Yeng bilang rakista kaya nga tinawag na Pop Rock Princess, pero kailangan daw niyang mag-aral o mag-level up ng ibang genre.

“Yes po, kailangan. Bilang songwriter po, ang nakikita kong established na talagang sumusulat ng mga ballad, or mellow kasi tayong mga Pinoy, ito ang gusto natin, relaxing at emotional kaya I want to follow the footsteps of sir Rey Valera, sir Vehnee Saturno, parang nag-e-explore po ako on that area,” pahayag ng millennial songwriter.

Dagdag pa, ”for longevity po kaya naisip kong magbago rin ng music, kasi tulad ngayon, may asawa na ako, gusto ko ring magka-baby. Sabi nila, bilang songwriter daw at kapag wala ka ng ginagawa kumikita ka pa dahil sa royalty kaya iyon po ang iniipon ko ngayon.”

Tinanong namin kung ilan na ang nagawang kanta ni Yeng simula noong natuto siyang magsulat.

“Lahat po siguro lampas ng 100 at ‘yung naka-register po sa FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers) siguro nasa 55 songs na po,”napangiting kuwento ni Yeng.

Hindi naman itinanggi ng Pinoy Dream Academy 1st season grand winner na malaki-laki na ang kinita niya sa royalty dahil ginagamit na ang mga kanta niya sa TVC tulad ng Hawak Kamay at Ikaw.

“Malaki naman po, kaso hati po kami ng Star Music kasi under po ako sa kanila, kaya 50-50 po,” masayang sabi pa ni Yeng.

Itinangging umabot ng seven figures ang ibinayad kay Yeng, ”naku hindi po ako ganoon level pa, hindi ako sir Ogie Alcasid, six figures pa lang po,” pag-amin pa.

Nakikipag-co-produce na rin daw si Yeng sa mga album produced ng Star Music,”opo, co-producer na ako ngayon kasi may mga sound akong gusto para malinaw and I’m grateful din po kasi ‘yung trust sa akin ng Star Music, nandoon na hindi parang bata na binibigyan ka ng producer. Ngayon ako na mismo ang pumipili.

“Si kuya Jonathan Manalo po ang favorite kong vocal producer, tapos sa producer, I really love working with kuya Raymund Marasigan and Ms Ria Osorio.”

Samantala, hating-hati raw ang mga awiting kakantahin ng apat na divas sa kanilang Divas Live in Manila concert at wala raw patalbugan sa kanila.

Teka, bakit nga ba sila tinawag na Divas at may tsikang ginaya nila ito sa ibang bansa na kinabibilangan nina Celine Dion, Mariah Carey, Whitney Houston, Christina Aguillera, Beyonce Knowles, Sarah Brightman, Madonna, Barbra Streisand at maraming iba pa.

“Hindi ko po alam kay kuya Erickson (manager/producer), kasi ganoon po ‘yung puwesto namin sa industry, parang sino bang diva sa genre na soul, si KZ, siya ‘yung pioneer, tapos sa R & B, sinong first in mind, si ate Kyla, ‘pag diva na new generation na birit, si Angeline, ‘pag poprock music po, siguro ako,” magandang paliwanag ni Yeng.

Mukhang exciting nga panoorin ang apat na millennial diva ngayon Ateng Maricris kaya dapat free ang araw natin sa November 11, 8:00 p.m. sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Divas Live in Manila ay produced ng Cornerstone Concerts and Star Events with musical direktor Ria Villena Osorio at stage director naman si Paul Basinillo.

Mabibili ang tickets sa tickenet, 911-5555 at ang kanilang major sponsors ay ang Belo Medical Group, Silka and AOR Studios; minor sponsorsConverse, Parisian Shoes and Bags, Felicidad Mansion, Taverna Catering at ang media partners ay ASAP, MYX, The Philippine Star, Business World, MOR 101.9 For Life, Magic 89.9, Manila Concerts, Philippine entertainment Portal, Inquirer. Net, abs-cbn.com and onemusicph.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *