Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, never nasabihan ng ‘buti nga sa kanya’

MEDYO makatagos sa damdamin ang nalathalang larawan ni Mark Anthony sa diyaryo, nasa loob siya ng pinaglipatan niyang selda at nakasalampak sa sahig at bahagyang nakatungo.

Kaiba ‘yon sa mga larawan ng mga naunang nabasyo na sina Sabrina M at KristaMiller na nakasuot ng damit ng preso.

Pero bukod sa pagkakaibang ito ay lutang ang isang malinaw na diperensiya aktor at ng dalawang starlet.

Sa kaso ni Mark ay parang wala kaming nariringgan na may nagsabing, ”Buti nga sa kanya!” samantalang kung tutuusin ay matagal nang bali-balitang gumon ito sa ipinagbabawal na gamot na ikina-rehab pa nga nito.

We can only justify kung bakit ”soft” ang mga tao—most especially ng mga taga-showbiz—kay Mark gayong pare-pareho naman silang gumagamit na tatlo. ‘Yun ay dahil sa pagkatao ni Mark.

Kung tutuusin, born to well-known parents ay inaasahan nang maangas si Mark sa kanyang porma, puwede ring feeling lisensiyado rin siyang kumilos nang may kagaspangan towards his co-workers. Pero tinanong na ang halos lahat ng kanyang mga katrbaho, even his directors, ni isa’y walang masamang binanggit laban kay Mark.

Sa pinagdaraanan ni Mark, we haven’t heard any one of them say na tama lang ang sinapit niya at mabulok siya sa kulungan. Bagkus, lahat ay nagdarasal na malampasan sana niya ito and let this experience make him a better, reformed person.

Kung hindi pa nga nabalitang nagdadalantao pala si Krista, nunkang may nagpahayag ng pang-una sa sinapit nila ni Sabrina M.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …