Saturday , November 23 2024

4 adik utas sa drug ops sa pot session (Pulis sugatan)

PATAY ang apat hinihinalang adik sa droga nang lumaban sa mga awtoridad makaraan maaktohan habang nagpa-pot sesstion sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi pa nakikilala ang mga napatay na tinatayang may gulang na 25 hanggang 30-anyos at may mga tattoo sa kanilang katawan.

Samantala, masuwerteng nasaktan lamang at nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Arellano Police Community Precinct (PCP) chief, Chief Inspector Paulito Sabulao, nabaril sa dibdib ngunit nakasuot ng bullet proof vest, habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang kanyang tauhan na si PO1 Bruno Arucod, tinamaan ng bala sa kaliwang kili-kili.

Batay sa ulat ni Supt. Romeo Odrada, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 9 (Malate), dakong 2:10 am nang maaktohan ng mga pulis ang mga suspek habang nagpa-pot session sa parking lot ng Arellano Avenue, kanto ng Don Pedro St., sa Malate ngunit nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *