Friday , November 22 2024

City Hall, MTPB, transport groups sanib-puwersa raw vs colorum

NAPAKAGANDANG proyekto!

May bagong estratehiya umano ang Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB) para sugpuin o durugin ang mga kolorum.

Ayon kay MTPB chief, Dennis Alcoreza magsasanib puwersa ang Manila city hall, transport groups at ang MTPB mismo para mahuli at tuluyan na umanong mawalis ang mga kolorum na sasakyan na pumapasada sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Isang tripartite memorandum of agreement umano ang lalagdaan ni Erap kasama ang Pangkalahatang Sanggunian, Manila & Suburbs Drivers Association (Pasang Masda) at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) na naglalayong mapaluwag at maging maayos ang trapiko sa Maynila.

Sabi ni Erap, “Ang paglaban sa kolorum at ang paghahanap ng solusyon sa problema natin sa trapik ay dapat pinagtutulung-tulungan nang lahat, lalo sa hanay ng transportasyon. Ngayong katulong na natin ang Pasang Masda at Fejodap, naniniwala akong matatanggal natin ang mga kolorum sa kalsada at mapapaluwag ang daloy ng trapiko.”

Napakagandang proyekto.

Halos lahat ng motorista ay gustong makatulong sa proyektong ‘yan para lutasin ang masalimuot na trapiko ng mga sasakyan sa Maynila.

Walang masama riyan MTPB chief Alcoreza…

Pero parang ‘malayo’ ang inyong mga tingin. Malayo ang nararating ng inyong mga tanaw…

Hindi man lang ba ninyo napapansin ang illegal parking na punong-puno ng kolorum diyan sa Plaza Lawton?

Ilang metro lang ang layo niyan sa Manila city hall!

‘Yan bang espesyal na grupo ng traffic enforcers ninyo MTPB chief Alcoreza ay kayang palayasin ang illegal parking at  mga kolorum sa Plaza Lawton?

O baka naman mag-o-oplan pakilala lang ‘yan dahil, bago na nga ang hepe ng MTPB…

Hindi kaya?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *