Friday , November 22 2024
Drug test

Tricycle drivers sa Mendez, Baesa, QC ipa-drug test!

Tama ang sabi ni President Rodrigo “Digong” Duterte na hanggang ngayon ay talamak pa rin ang droga sa Filipinas.

Sa kabila kasi ng kampanya ni Digong laban sa ipinagbabawal na gamot, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng ilang pusher sa Metro Manila.

Isang halimbawa na rito ang mga tricycle driver sa paradahan ng Mendez St., Gajudo Compound sa Baesa, Quezon City.

Alam nang halos lahat ng mga nakatira rito na marami ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o shabu, pero walang ginagawang aksiyon ang pamunuan ng kanilang samahan.

Lantarang kumukuha ng shabu ang ilang tricyle driver sa lugar ng Ambuklao,  malapit lamang sa kanilang paradahan, pero walang sumisita sa kanila at pinababayaan lamang ng kanilang mga lider.

Ano kaya ang ginagawa ng kanilang lider na si Lito Apo?

Siguro, dapat sampolan ni  Gen. Bato ang mga adik diyan sa Mendez, Baesa Quezon City.

Magbago na kayo, dahil kung hindi, tiyak may paglalagyan kayo!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *