Friday , November 22 2024

Ang ‘special request’ ni Robin Padilla kay Presidente Digong

SA madaling sabi, dapat may exemption to the rule?

Ganoon ba ‘yun idol Robin Padilla?

Ang tanong po nating ito ay kaugnay ng tila special request ng ‘idol’ natin kay Presidente Rodrigo “Digong” Duterte na huwag munang pangalanan ang mga artista o nasa entertainment industry na gumagamit ng droga o ‘yung mga nagtutulak ng droga.

Ang taga-showbiz ba ay privileged class or sector para mag-request ng exemption si idol Robin?!

Paano naman ‘yung ibang mga napangalanan na? Hindi ba’t unfair din ‘yan para sa kanila?!

Hindi nagbibiro ang inyong lingkod kapag tinatawag nating ‘idol’ si Robin.

Isa talaga siya sa mga hinahangaan kong aktor sa showbiz.

Kasi nakikita natin sa kanya na mayroon siyang leadership quality. Matatag ang paninindigan at prinsipyo.

Kaya naman nanghihinayang tayo na sa kanya natin naririnig ang mga ganyang salita.

Aba napakasuwerte naman pala ng mga taga-showbiz na masasabi nating sangkot sa droga kasi lumalabas na mayroon silang big brother protektor — sa katauhan ni ‘idol’ Robin.

‘Yun lang, nanlamig talaga tayo nang marinig natin sa kanya ang mga salitang ‘yan.

Hindi ba’t bilang artista dapat ‘e maging huwaran si ‘idol’ Robin sa mga kabataan sa mainit na isyu ng droga?!

Kung hindi tayo nagkakamali, nagpatayo ng gusali sa National Bilibid Prison (NBP) para sa mga preso na gustong magpa-rehab.

Nang lumaya siya, inihabilin niya ito sa tatay ng aktor na si Marvin Agustin. At nang makalaya ang tatay ni Marvin Agustin inihabilin naman ito sa isang Lito delos Santos.

Sa mga panahon na ‘yan, maayos ang takbo ng rehabilitation program sa loob ng NBP. Take note po, hindi po iyan sa loob ng maximum security.

Sila po ‘yung may sentensiyang anim hanggang 16 taon na handang-handa nang magbagong-buhay kaya tumutulong at umaalalay sa kanilang mga kapwa-preso.

Kung hindi tayo nagkakamali, matagumpay ang programang ‘yan dahil maraming naka-detain diyan ang lumaya sa tamang panahon. ‘Yung iba nga napaaga pa.

Kaya talagang nagtataka tayo kay ‘idol’ Robin kung bakit kailangan pagtakpan ang mga taga-showbiz na sangkot sa droga.

Paano naman ‘yung mga artistang lumantad, umamin at pumayag na sila ay magpa-rehab?!

Maliwanag na masyadong unfair ‘yan sa kanila.

Idol Robin, pakiusap lang, huwag ka nang gumitna…

Ilantad na ‘yang mga nambibiktima sa entertainment industry!

‘Yun lang idol!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *