Friday , November 22 2024

Maynila bagsak sa disenteng pamumuhay

HINDI pasado ang kalidad ng mga impraestruktura, pangangalaga sa kalusugan at sistema ng edukasyon.

‘Yan ang katotohanan na gustong isampal ng London-based na Economic Intelligence Unit (EIU) sa mukha ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa rekord ng EIU sa kanilang 2016 Global Liveability Survey, swak sa kulelat na 40 lungsod ang Maynila (104th sa 140 cities) kung paninirahan sa siyudad ang pag-uusapan.

Kumbaga, ang Maynila, ang kabiserang lungsod ng Filipinas, ay hindi matatawag na lungsod kung pagbabatayan ang itinatakda ng mga pamantayan.

Sa Southeast Asia, kulelat na panglima pa rin ang Maynila sa Singapore, Kuala Lumpur ng Malaysia, Bandar Seri Begawan ng Brunei at Bangkok ng Thailand.

Anyway, hindi po tayo ang nagsasabi nito kundi ang London-based na survey firm na ang nagbunyag po nito.

Talagang kung ikokompara sa kanila, malaki ang diperensiya ng Maynila.

Pero sabi nga ng mga Manileño, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!

Ilang taon na silang nagtitiis na wala silang mapalang maayos at libreng serbisyo sa mga pampublikong ospital na dati nilang nai-enjoy noong panahon ni Mayor Fred Lim.

Nawala rin daw maging ang mga ipinamamahaging tulong ni Mayor Lim sa mga mag-aaral mula pre-school hanggang kolehiyo.

Nagkalat ang illegal parking.

Pinakamalaki ang illegal parking sa Lawton na ilang metro lang ang layo sa Manila City hall.

Ang basura?

Kailangan bang paulit-ulit sabihin na nagkalat pa rin ang basura sa Maynila at ang baho?

Sakali mang makuha ang basura, ni hindi man lang nabubuhusan ng tubig para malinis naman ang lugar.

Milyon-milyones po ang gastos ng Maynila sa basura. Hindi ba kasama sa binabayaran nila ang pagbobomba ng tubig na may bleach o chlorine para matanggal naman ang nakasusulasok na baho sa pinagtambakan ng basura?!

Baha. Alam natin kahit saang lugar may baha.

Pero doon sa iba na binabaha kapag wala nang ulan, wala nang baha.

Sa Maynila, sa tapat mismo ng city hall sa bahagi ng Intramuros golf course, isang linggo na, may baha pa rin!

Alam rin ba ninyo na sa kabiserang lungsod ng Filipinas ay mayroong mga lugar na walang malinis na tubig mula sa gripo?!

Sa Maynila po iyan!

Seguridad. Mabuti na lamang at mayroong kampanya ngayon si Pangulong Digong Duterte laban sa kriminalidad lalo na laban sa ilegal na droga.

Dahil kung hindi, tiyak oras-oras mayroong nahoholdap o nananakawan sa Maynila.

Sa totoo lang, gusto nga nating sabihin, may bago ba riyan sa survey ninyo London based EIU?

WALEY?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *