Friday , November 22 2024

BGC clubs target ni C/PNP DG Bato sa anti-illegal drugs campaign

IBA naman!

Parang ‘yan ang sigaw ni C/PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ngayong nakatakda ang pakikipagpulong niya sa mga may-ari o operator ng high-end clubs and bars sa Bonifacio Global City (BGC) sa Makati at Taguig City.

Akala siguro ng mga tambay, lalo na ng ilang ‘responsible’ drug users ‘daw’ sa high-end bars and clubs sa BGC ‘e hindi sila aabutin ng kampanya laban sa ilegal na droga ng Duterte administraton.

Sorry guys, it’s a long way to go…

Baka nalilimutan ninyo, dalawang buwan pa lang umaarangkada ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Ang pangako niya noong eleksiyon, sa loob ng anim na buwan, ‘itutumba’ niya ang talamak na ilegal na droga sa bansa.

At ‘yan ang sinusundan ni C/PNP Bato.

Kaya sa linggong ito, kakausapin ni Gen. Bato ang mga club and bar owners/operators sa BGC para magkaroon sila ng unawaan (o puwede bang tawagin ‘yan na  memorandum of understanding?) kung paano sila magsasagawa ng surveillance at pag-aresto sa mga pinaghihinalaang drug user/s at drug courier/s or supplier/s.

Batay kasi sa mga ginagawang surveillance ng pulisya, mayroong trace na ang mga party drugs (ecstacy/cocaine) ay diyan talamak sa BGC party clubs?!

Kumbaga, nariyan sa BGC ang mga gimikero na can afford bumili ng mga mamahaling party drugs.

Wish natin na makakuha ng ebidensiya ang mga awtoridad sa high-end gimmick area na ‘yan.

Una, para mapatunayan ng Duterte administration na hindi lang mga adik na dukha ang kaya nilang sugpuin.

Maipakita sana nila na kaya rin nilang supilin ang walang habas na pagkalat ng ilegal na droga sa high-end gimmick area.

Gen. Bato Sir, hinahamon ka ng madlang pipol at sumisigaw — “SAMPOL! SAMPOL!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *