Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guts and glory sa panunungkulan ni Pres Digong

EPEKTIBO ang salita nina president Rodrigo Duterte at PNP chief, director general Ronald “Bato” dela Rosa.

Iyan ang katagang gustong sumuko o mamatay ka. Iyan din ang tinatawag na ‘guts and glory.’

Kung ang namumunong presidente sa bansang walang yagbols, kakainin nang kakainin tayo ng mga hudas at salot na drug pushers at drug lords.

Pasalamat tayo at may yagbols ang presidenteng nahalal sa Republika at ang pambansang hepe ng Philippine National Police.

Tandem sila sa kanilang advocacy kontra illegal drugs at krimen.  Masasabing marami na silang nailigtas na buhay na dati ay lulong sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Tama lamang na mamatay ang mga nasa watchlist at tulak ng shabu kaysa dumami nang dumami at manganak pa sila.

Kung pagmamasdan, wala namang pinipili sa inilunsad na crackdown ng PNP. Pulis, politiko ay pinoposasan kapag sila ay positibo sa droga.

Masasabing malupit ang kautusan ni Pangulong Duterte sa pakikibaka sa local at national na drug lords lalo sa mga dayuhang mga tsekwa o tsuwalay.

He he he!!!

Mahigit sa 400 ang naitalang napatay sa shootout o encounter sa buong bansa.

* * *

MGA CAPITALISTA NG 1602 SA CAVITE BALAK IPATAWAG NI EILEEN

May tsismis na balak na naman daw ipatawag ni bagman Eileen ang lahat ng capitalista, gambling lords na nag-o-operate ng sugal sa buong lalawigan ng Cavite.

Naku. Bakit?!

Anyway, kapag ganyang may patawag o pa-meeting, iisa lang ang paksa ng usapan, ang mga sugalan sa buong Cavite.

Ang mga pasugal na nilalaro sa upper at lower land ng Cavite ay bookies ng EZ-2, lotteng, jueteng, sakla, VK at mga mesa ng color games.

Sa bayan ng Tanza at sa Vista Clara sa Gen. Trias sa Cavite ay open ang crooked gambling na perya de sugalan. Sina Jun at Lody ang gambling financier at maintainer.

Kaya laging puno ang bulsa ni collector Lando, alias “Bulag” at bagman “Troy.”

* * *

PAHAGING ULI!!! UMIIYAK ANG FINANCIER NG 1602 SA MAKATI CITY

LOWEST 50 thousand a week at 20K ang asking daw ng bagong bagman na si Mike F., alias “Doble” sa banker ng lotteng bookies at banker ng terembe na nag-o-operate sa Makati City.

Iyan daw ay nang dumating si Mike sa HQ ng Makati police.

Naku po! Sa Makati ay largado rin ang palarong jueteng.

* * *

SI ALING MELY ANG SIGA

NAAGAW daw ni Aling Mely ang ilang bayan sa lalawigan ng Batangas, ang bayan ng Padre Garcia, Taysan at San Nicolas na regular na tinatayuan ng peryahan na may sugalan.

Kung may katotohanan, meaning maaaring may go  signal ang mayor, kapitan ng barangay at chief of police.

E-mail address: [email protected]

CRIMEBUSTER – Manny Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …