Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ano ang katunog ng U-R-C-C na itinawag ni Baron kay Mo?

IISA ang opinyon ng balana patungkol sa social media war nina Baron Geisler at DJ Mo Twister: nakatagpo lang ng katapat ang isa’t isa.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang markadong katangian ng dalawang lalaking ito. Matapang kung sa matapang, lumalaban kung kinakailangan.

Ang kaibahan nga lang, pinagkukunan ng tapang ni Baron ang alak habang ang ‘di naman napapabalitang lasenggo na si Mo ay humuhugot ng tapang mula sa kanyang mga opinyon na inaakala niyang laging tama.

Pareho man silang Inglisero, magkaiba rin sina Baron at Mo pagdating sa pakikitungo sa mga babae. Mas may pagpapahalaga si Baron sa opposite sex, samantalang ultimo ex-girlfriend ni Mo na si Rhian Ramos ay nakuha niyang bastusin at ipahiya.

All told, Baron and Mo make for a perfect match na magandang panoorin kung paanong bukod sa palitan ng Inglisan ay magkakasubukan sa pisikal na departamento.

Just recently, lumikha ng ingay ang URCC (Universal Reality Combat Championship) na paghaharap nila ni Kiko Matos.

Pansinin n’yo ang tunog kapag binibigkas ang U-R-C-C. What do you know, katunog ito ng You Are Sissy (“Bakla ka!”) na itinawag ni Baron kay Mo!

At ang Mo, hindi nagpaawat dahil may ganting-sagot din sa tinuran ni Baron. What’s funny, hinamon na rin niya ng upakan si Baron.

If we may quote Cristy Fermin na dating nakatrabaho ni Mo, pero ngayo’y buwisit na buwisit sa deejay, ”Eh, kaya naman matapang maghamon ‘yang si Mo dahil wala siya rito sa bansa, ‘no! Hay, naku, kung alam lang ng tao kung paanong minsan isang panahon sa buhay ni Mo, eh, nangatog siya sa takot kaya napilitan siyang sumibat noon paibang bansa!”

Ano kayang kabanata ‘yon sa buhay ni Mo?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …