Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wish na baby sister, ‘di natupad

BUNTIS na naman si Kristine Hermosa. Pang-apat na anak na nila ito ni Oyo Boy Sotto.

Ayon kay Oyo sa interview sa kanya ng ABS-CBN Push.com, gustong magkaroon ng kapatid na babae ang kanilang nag-iisang anak na babae. Unfortunately, lalaki ang batang nasa sinapupunan ngayon ni Kristine.

“Siya ‘yung laging gumaganoon (humihimas) sa tiyan ni Tin. ‘Hi, baby sister! I love you,’” sabi ni Oyo.

Ano ang naging reaksiyon ng anak nila nang malamang boy ang nasa tiyan ni Kristine?

“Noong nalaman niyang boy, nalungkot siya. For a while, sabi namin, ‘We came from the hospital and we found out that it was a boy.’ Sabi niya, ‘What?’ It’s a boy. Is it okay?’ Ngumiti pero alam naming deep inside, gusto niya baby sister para may kasama siya sa kuwarto.

“Gusto talaga namin siyang mapasaya kaya sumubok ulit kami ng isa para maging girl, pero boy ulit, eh,” natatawang kuwento ni Oyo.

Kumusta naman ang pagiging buhay may-asawa ng daddy niyang si Vic Sotto?

“Yun nga, ngayon lang uli nag-asawa si Daddy, never naman siyang nag-asawa sa buong buhay namin. Siguro ‘yung malaking pagbabago, I see that he’s very happy. He’s very content. Wala na siyang hihilingin pa para sa kanya. Kumbaga, nandiyan lang kami, ‘yung mga apo niya para sa kanya, lalong-lalo na si Pauleen. I see that she’s really taking care of my dad. Nandoon ‘yung effort eh, nakatutuwa.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …