Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Basher na nagbanta kay Alden Richards, hinahanap na ng NBI

MAY hint na ang kampo ni Alden Richards kung sino ang basher na halang ang kaluluwa na gusto siyang itumba sa mismong concert niya sa June 25 sa The Laus Group Event Center, San Fernando, Pampanga.

Hinahanap  na raw ito ngayon ng  NBI kaya lagot ang basher na ‘yan.

“Christina Grimmie ng Pilipinas ka,” ang mensahe sa actor. Binaril kamakailan si Christina pagkatapos ng kanyang show sa Plaza Live Theater sa Orlando.

Ang naturang mensahe ay may kinalaman sa akusasyon ng nagmamalasakit kuno kay Maine Mendoza na hindi umano maganda ang treatment ni Alden  sa ka-loveteam. Pinalalabas nila na sweet si Alden sa harap ng telebisyon pero walang paki sa likod ng kamera. Hindi raw kailangang isiksik ni Maine ang sarili kay Alden.

Matindi ang paninira kay Alden. Sa totoo lang, grabe kung alagaan ni Alden si Maine sa harap at likod ng kamera. Hindi na kailangang i-explain pa. Maganda ang samahan ng AlDub kaya ‘wag nang intrigahin pa. Okey sila offcam.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …