Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong, saludo at nirerespeto si Sandro Marcos

AYAW nang mag-comment ni Enchong Dee sa nakaraang isyu sa kanila ni Sandro Marcos.

Sinuportahan kasi ni Enchong si Vice President -elect Leni Robredo at nag-tweet pa siya ng ”A Marcos will always be a Marcos.”

Nag-post naman ang fake account ni Sandro ng, ”A gay will always be a gay.”Humingi naman ng paumanhin si Sandro dahil hindi niya account ‘yun at iisa lang daw ang ginagamit na Twitter account niya.

Hindi naman daw siya nag-react noong panahong ‘yun at ayaw naman niyang sumagot sa poser. Nagre-react lang daw siya sa post niya at pinaninindigan niya kung anuman ang itini-tweet niya. Pero ayaw na raw niya magsalita tungkol sa ugat ng isyu kina Leni at Bongbong  Marcos dahil hanggang ngayon sensitive  pa rin ang bagay na ‘yon. Nag-stick lang daw siya sa opinyon niya at habang tumatanda raw sa industriya ay dapat na pangatawanan kung ano ang sinasabi.

Sumasaludo raw siya sa ginawa ni Sandro at naroon din ang respeto niya.

Anyway, may bagong show si Enchong sa Knowledge Channel entitled  AgriCOOLture. Sisiyatin niya ang malaking potential ng ‘agri-preneurship’ sa pamamagitan ng  aquaculture, crop production, at poultry. Ipakikita ni Enchong ang fish farming, tamang paggamit ng fish equipment, at water management, pagpili at pagpapalaki ng stock at pag-ani ng pananim sa tulong ng experts. Nakabatay ang anim na episodes ng AgriCOOLture sa curriculum ng DepEd para sa Grade 9 Technology and Livelihood Education. Ang show na ito ay magsisimula sa July 19. Kaugnay ito ng 17th anniversary ng Knowledge  Channel.

Napapanood ito tuwing  Martes, Huwebes, at Sabado (11:40 a.m. at 4:00 p.m.).

Bukod dito, sisimulan din ang Mathdali sa June 14na tampok naman si Robi Domingo.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …