Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Party-party sa araw na hindi na sa gabi

BAWAL ang videoke sa hatinggabi, kaya ang bawa’t selebrasyon na gagamit ng videoke ay hanggang alas 10:00 ng gabi na lamang.

Tsk tsk tsk… sa araw na lamang gawin ang lahat ng selebrasyon kung sa bahay gagawin. Kung hindi naman umupa na lamang ng mga venue para di nakabubulahaw!

Tama naman ang kautusang ito na gustong mangyari ng administrasyong Duterte!

Mga asong askal bawal na

‘Yung mahihilig mag-alaga ng aso, na hindi naman ikinukulong, mabuti pa ipaampon na lang ninyo dahil pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte baka kayo ang gawing pulutan!

Saludo pa rin ako sa gustong mangyari ni Duterte, dahil kalat ang mga ‘ebak’ ng mga askal na aso, marumi at ugaling mangalkal ng mga basura! Pati baby diapers na may dumi ng bata at sanitary napkin ay ikinakalat ng mga asong gala!

Ilegal na droga national problem

Isang problemang nasyonal ang ilegal na droga, hindi lamang sa ating bansa. Pero dahil may kumakalingang matataas na opisyal ng ating bansa, hindi masugpo-sugpo ang pagpasok ng mga ilegal na droga.

Ngayon pa lang ay nasasabik na ang taumbayan sa sinasabi ni Incoming President na tatlong heneral ang sangkot sa ilegal na droga, bagama’t hindi pinangalanan ni Duterte ang tatlong heneral, nag-aabang na ang taong bayan kung sino ang mga heneral na mauunang magpresign!

‘Yun na ‘yun!

May mediamen din na matitino

Kung sa hanay ng media  ay may magnanakaw, corrupt, attack and collect, kalabit-penge, meron din naman sa gobyerno.

Hindi lahat ay ganito, mas maraming matitino, at nadadamay ang iba. Sana pangalanan ni Incoming President Duterte, upang hindi na magsilbing anay sa industriya.

Kung sa kanyang palagay ay meron nga, name names, Mr. President!

Bakit ‘di mo imbestigahan ang isang mediaman na laging nakabuntot sa kampo ninyo na gustong makapuwesto sa inyong administrasyon?

Gusto mo bang ibulong sa inyo, Mr. President!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …