Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad, priority lagi ang It’s Showtime

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Nikko Natividad na numero uno sa kanyang priority ang It’s Showtime na isa siya sa member ng tinitiliang all male-group na Hashtags.

“Sa ngayon po, nakatutok ako sa It’s Showtime po, everyday. And busy din po sa mga mall shows ng Hashtags, lalo na po at naglabas kami ng album,” saad sa amin ni Nikko.

Pahabol pa niya, “Ang pinaghahandaan po namin ngayon ay ang major concert ng Hahstags sa KIA theater sa July.

“Si Nanay (Jobert Sucaldito) sabi niya sa akin ipriority namin ang Showtime, lalo na ang pagho-host ko. Ituloy ko lang daw po yung character ko na kalog at may pagka-comedy. Huwag daw ako mainip, pero gusto niya talaga na maging magaling akong actor. Kaya nag-aantay lang po kami ng break ko pagdating sa acting.”

Gumanap si Nikko bilang isa sa barkada nina Michael Pangilin at Egdar Allan Guzman sa pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako na showing na sa June 8. Ano ang masasabi niya sa kanyang role rito?

“Happy po ako sa movie, pero ‘di ako happy sa performance ko. Sobrang kulang pa po, last year pa po namin ito ishinoot. Talagang hilaw na hilaw pa po ako, e.”

Sa pelikulang ito’y nagkaroon siya ng affair sa isang transgender, gay-friendly ba siya? “Hindi naman ako tumitingin sa status ng tao. Bakla man o tomboy, walang problema sa akin yun. Basta ang mahalaga ay mabait siya. Hindi naman ako ilang sa bakla, basta alam lang niya ang limit ng pagkakaibigan namin.”

Incidentally, ang title ng album nila ay Hashtags. Ang carrier single ay Road Trip at mayroon itong seven songs, plus may two bonus tracks.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …