Friday , November 22 2024

Racket ng PNP ibinulgar ni President-Elect Digong Duterte

SA press conference na inilatag ni mayor, president-elect Rodrigo “Digong” Duterte noong Martes ng hapon sa Malacañan Palace sa Davao, ibinulgar niya sa harap ng media ang umano’y racket ng mga opisyal sa Philippine National Police.

Sinabi niyang mula sa chief PNP, station level ng chief of police, police director, district director at regional police director sa hanay nila umano nagsisimula ang corruption. Nag-aalaga sila umano ng mga ‘taga-kolekta, taga-ikot,’ sa makokotongang ilegalista. Credible ang nakuhang impormasyon ni incoming president. Tumbok na tumbok niya.

Sinabi rin ni Duterte na sa kanyang pag-upo bilang presidente ng Republika ng Pilipinas, ipagbabawal niya sa mga militar at sa PNP ang pagdadala ng mga staff o bagman. Ipagbabawal niya ang staff transfer.

Nang may kagawad ng media ang nagtanong kay Duterte tungkol sa pagkamatay ng isang  newspaper-columnist, ang naging sagot niya ay “Hindi ka naman papatayin kung wala kang nagawang kasalanan.”

Ayon kay Duterte, maging ang media ay corrupt. Kulang na lamang sabihin ni Duterte na ang media ay attack and collect.

Anyway, tumbok ni Duterte ang racket ng PNP at ng media. Habang may mga ilegalista, tuloy ang patak ng weekly-tong, protection racket.

He he he!!! Hindi naman maikakaila na karamihan sa PNP officers na nakakuha ng juicy position sa PNP ay nagsiyaman o naging milyonaryo. Iyan ang katotohanan.

Kaya president-elect Digong Duterte, ituloy po ninyo ang inyong laban sa pagsugpo sa krimen, sa illegal na droga at sa mga corrupt.

Waiting for nothing si VP Leni Robredo

PORMAL nang inilatag at ipinakilala ni president-elect Duterte ang kanyang mga miyembro ng Gabinete sa isang press conference na isinagawa sa Davao City noong Martes ng hapon.

Sa hanay ng mga cabinet members masasabi nating hindi na sila bago, may mga luma na ang pangalan.

Iyan ang katotohanan. Kapag ang na-elect na presidente ng bansa ay hindi kapartido ang nahalal na vice president, ang resulta, waiting for nothing si vice president-elect Atty. Leni Robredo.

About Manny Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *