Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, masaya sa pag-aasawa ni Kaye

NAGKAROON ng relasyon sina John Lloyd Cruz at Kaye Abad noong panahon ng kanilang seryeng Tabing Ilog. Kilala noon ang tandem nila bilang Eds at Rovic.

Dahil dito, kinunan namin ng reaksiyon si John Lloyd kung ano ang masasabi niya sa nalalapit na kasal ni Kaye kay Paul Jake Castillo?

Natuwa rin ba siya?

”Oo naman… Finally.. ha!ha!ha!,” bungad ng actor noong makatsikahan namin siya sa taping ng Home Sweetie Home.

“Oo, mag-asawa na siya, ‘no?! Dapat lang ‘yun,” tumatawa pa niyang pahayag.

“Sa totoo lang. I mean, I may sounds sarcastic pero alam ko ‘yung lifelong dream niya, eh. It would make her really very happy as a woman, eh. Ang tagal ko nang hinihintay makita ‘yun kay Kate,” sambit niya.

Kung imbitahan ba siya dadalo siya?

“Sana invite niya ako. Sana invite niya ‘yung family ko,” pakli ng actor.

Biniro si JLC na baka ‘yung family niya ay imbitahan, ewan lang sa kanya?

“Puwede rin naman, okey lang din,” pagpatol din niya.

Speaking of Kate at Jake, wala pang date ang kasal nila dahil kumukonsulta pa sila sa Feng Shui expert. Naniniwala kasi ang pamilya ni Jake sa Feng Shui. May mga date na raw na ibinigay sa kanila at na kay Kate na lang ang final decision.

Type raw ni Kate na may touch of black ang wedding gown niya at color motif ng kasal. Pero naunahan daw siya ng kapatid niya kaya dark tones na lang ang gusto niya. Church wedding din ang gusto niya.

Naramdaman din daw ni Kate na si Jake na talaga ‘yung gusto niyang makasama sa pagtanda at ready na rin siya.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …