Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, keri ang pagiging babaeng bakla

BABAENG bakla si Maja Salvador  sa Tatay Kong Sexy na walang keber kung okrayin at talakan si Senator Jinggoy Estrada. Natatawa na lang kami ‘pag tinatawag niyang tatang si Sen. Jinggoy. Ilang beses kaming napatawa ng dalawa sa mga eksena na hindi trying hard ang dating. Character si Maja at natural naman ang acting ni Sen. Jinggoy. Havey ang mga punchline nila. Hindi pilit ‘pag humirit si Sen. Jinggoy lalo na ‘pag nanlait kaya mapapatawa ka.

Feeling happy at aliw kami sa Tatay Kong Sexy pagkatapos namin itong mapanood.

Hindi nakahihiyang irekomenda sa mga moviegoer ang idinirehe ni Joey Reyesdahil akma sa Father’s Day ang pelikula. Naitawid niya ang kuwento na gustong iparating sa mga manonood. Bagamat simple lang ay may leksiyon at kurot sa puso.

First movie rin ito nina Dominic Roque at Jolo Revilla pero pasado sila sa amin.

Normal ‘yung sagutan nilang mag-ama noong magdala ng babae sa kuwarto si Jolo sa katauhan ni Nathalie Hart.

Hindi rin nagpakabog si Empress Schuck kay Maja sa galing umarte.

Showing na sa June 1 ang Tatay Kong Sexy. May premiere night ngayong gabi, May 31, 7:00 p.m. sa SM Manila Cinema 6. Kasama rin sa pelikula sina Bayani Agbayani, Maliksi Morales, Vangie Labalan, at Beauty Gonzales. Last movie rin ito ng yumaong  Mark Gil.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …