Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pastillas girl, close friend lang daw ni Mark

TINANONG namin si Angelica Yap aka Pastillas Girl kung ano ang reaksiyon niya nang kumalat ang sex video ng lalaking nali-link sa kanya na si Mark Neumann.

Tumawa siya ng malakas…”Ay congratulations,” pakli niya.

Nakita raw niya ito sa isang blog pero hindi naman daw inamin o idinenay ni Mark sa kanya.

“Eh, ‘di congratulations..isa siyang alamat. Cutie-cutie ‘yung nasa video, eh. Parang baby boy. Mayroon siyang maipagmamalaki, isa siyang batang may laban,” sabay halakhak niya.

Type ba ni Pastillas Girl ang mga  ‘batang may laban’?

“Bet ko ‘yung batang may laban,” sey niya na sinasabayan pa rin ng tawa.

Bagamat idine-deny niya na mag-on sila paano kung manligaw si Mark sa kanya?

“Iba ‘yung mga type ni Mark, ‘yung mga simple na girl. ‘Yung hindi showbiz,”tugon ni Angelica?

Bakit hindi ba siya simple?

“Siguro.. kaya kaibigan ko si Mark ng very close kasi nakikita rin niya sa akin ‘yun.’Pag lumalabas kasi si Mark, mostly, non-showbiz ang  gusto niyang kasama. The fact na nakilala ko na siya even before na non-showbiz pa ako, siguro alam naman niya na wala akong ipinagbago. Eh, siya rin naman kahit nakilala ko na showbiz, ganoon pa rin siya, totoong tao siya. Wala kayang echos sumagot ‘yun,”saad pa ni Angelica.

Kinompirma rin ni Pastillas Girl na bumukod na si Mark sa kanyang manager (Gio Medina) at tumuloy ito sa lola niya sa Valenzuela. ‘Pag wala raw ginagawa si Mark ay nahihiligan nito na magtanim sa kanilang bakuran.

Bagamat nagbabayad na ngayon si Mark ng mga bills gaya ng ilaw, tubig  atbp., ‘yun naman daw ang gusto niya. ‘Yung matutong tumayo sa sariling paa at maging independent. Dati kasi ay wala siyang obligasyon na ganyan noong nakatira pa siya sa manager niya.

Samantala, Viva artist din si Angelica katuwang ang bago niyang manager na siWheyee Lozada. Host siya ngayon sa Dobol or Samting  sa  Viva TV with Fabio Ide.

Kinumusta rin namin siya kung naka-recover na ba siya sa pagpaslang sa kanyang ina noong December?

“Nagiging better. Hindi naman nawawala ‘yung sakit. Noong isang gabi nga umiiyak ako kasi naalala ko na naman. ‘Yung cellphone kasi ng mommy ko kinalkal ng kapatid ko at ‘yung mga message nabasa namin kaya iyakan na naman kami.

“Lagi naming sinasabi na ipagdarasal na lang namin’yung katarungan para sa kanya. ‘Yung nangyari sa kanya, hindi  kaya ‘yun normal. Hindi basta-basta ‘yung mga gumawa niyon. Gusto ko ‘yung katarungan sa mommy ko pero mas concerned ako na matahimik ‘yung mommy ko po.

“Sana sa bago nating Presidente..si Mayor Duterte..since ‘yan naman ang forte niya…’yang mga criminal, sana matulungan din niya ako  sa kaso ng mommy ko,”sambit pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …