Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, nalungkot sa pagkaudlot ng Written In Our Stars

HINDI maitatanggi na supporters ni Senator Bongbong Marcos ang mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano sa kanyang kandidatura bilang Vice President. Nanalo na si Cong. Leni Robredo. Ano ang reaksiyon ni Toni sa akusasyon na may dayaan umanong nangyari?

“Hindi ko na nga nasundan,eh. Ang sa akin kasi, ‘di irespeto natin kung ano ang desisyon ng tao. At the end of the day naman kung ano ‘yung magiging resulta ay irespeto naman natin ‘yun. Wala naman tayong hard feelings kasi I think we’re all entitled to our own beliefs, ‘yung ating pinaniniwalaan at sinusuportahan. Hindi naman natin kinokontra ‘yung sinusuportahan ng iba kasi lahat naman tayo individually, we have our own right,” deklara niya.

Naniniwala ba siya na may dayaang nangyayari?

“Ayaw ko kasing magsalita ng ganyan kasi hindi naman tayo taga-politika. Hindi naman ako taga-Comelec, so mahirap manghusga ng ibang tao. Pero siyempre, wish naman nating lahat, kung ano ‘yung tama, kung ano talaga ‘yung totoong nangyari, ‘yun sana ang mangyari,” pakli pa ni Toni.

Samantala, nanghinayang ba ng Ultimate Multimedia sa pagkakaudlot ng serye niyang Written in Our Stars katambal si Piolo Pascual?

“I feel bad for the whole team kasi first time ko ma-experience’yung parang feeling ko ako ‘yung naging cause of delay for everyone. Siyempre, given the choice and the chance gusto ko talaga ituloy-tuloy ‘yung project. Sabi pa nga ng doctor ko, ‘ You shouldn’t feel that way. You shouldn’t feel guilty. You have a blessings’. Pero I feel bad kasi nga may show na maghihintay, made-delay. Pero sabi nga nila everything happens for a reason.. kasi may anak ako roon, eh. So, baka pagbalik ko alam mo ‘yun, may affiliation ako roon sa bata. Mas magiging totoo ‘yung approach ko.

“Nasimulan na namin. Nakunan na lahat ang pinaka-vital I mean pivotal na pilot at saka establishing ng story,” sambit niya nang makatsikahan namin sa taping ngHome Sweetie Home katambal si John Lloyd Cruz.

Ano ang reaksiyon niya na ayaw ni Piolo na palitan siya bilang leading lady? Nakakasa na kasi at naka-mindset na si Papa P na siya ang wife niya sa serye?

“Wow! Akala ko nga ano… nag-ready na rin ako na baka palitan na ako. Ganoon talaga. First time kasi namin, eh. Sabi ko, ang bait naman ni PJ kasi 13 years kami bago nakapag-movie, eh. Ganoon ‘ata talaga kami, laging  may kaunting delay.’Yung hindi puwedeng matuloy agad. Ngayon made-delay lang kami ng ilang months,” sey pa niya.

Back to work si Toni pagkapanganak dahil may commitments siya. Humihingi lang daw siya ng first three months na matutukan ang baby niya at ma-experience ang breastfeeding.

“Pero, of course, priority ko ‘yung baby ko. May maternity leave naman ako at saka nakaplano lahat ‘yun kasi magba-bangko kami ng ilang episodes ng ‘Home Sweetie Homes’,” sambit pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …