Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

EA, may posibilidad nga bang pumatol sa bading?

UNANG sabak pa lang sa pelikula ni Michael Pangilinan ay bida na agad siya via Pare Mahal Mo Raw Ako mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan. Kapareha niya rito si Edgar Allan Guzman na gumaganap   bilang best friend niya na isang bading na na-inlove sa kanya.

Sa presscon ng  pelikula ay sinabi ni EA (palayaw ni Edgar Allan) na may kuya siyang bading, kaya raw malapit siya sa mga member ng third sex.  Sa  mga nagsasabi na magaling siyang umarte, na mabilis siyang umiyak, ‘yun daw ay dahil sa kanyang kuya. Ito raw kasi ang iniisip niya kapag malungkot o may problema ito.

Dahil sa kanyang kuya, kaya naiintindihan ni EA ang damdamin ng mga bading. Kung halimbawang  may  isa siyang kaibigang bading na magkagusto o ma-inlove sa kanya ay hindi niya ito lalayuan.  Kung magtatapat ito sa kanya ay ire-reject niya ito in a nice way. Sasabihin niya lang dito na sa iba na lang ito magkagusto dahil hindi sila talo, na hindi niya magagawang pumatol sa kapwa niya lalaki.

Pero hindi naman daw isinasara ni EA ang posibilidad na pumatol siya sa bading. Ayaw daw niyang magsalita ng tapos na hinding-hindi siya makikipagrelasyon o papatol sa bading.  Basta sa ngayon daw ay hindi niya ito iniisip o magagawa.

Showing na sa June 8 ang Pare Mahal Mo Raw Ako.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …