Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen, nayabangan kay Billy

SA guesting ng magkasintahang Billy Crawford at Coleen Garcia sa  Magandang Buhay noong Lunes, ikinuwento nila kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

“Nagkakilala kami sa ‘It’s Showtime’. Hindi kami nag-uusap noon. Sa lahat siguro ng tao roon, kami ang hindi close. Parang in a way paranoid ako sa kanya rati.  Hindi ko talaga siya gusto noon, masama ang first impression ko sa kanya. Akala ko rati mayabang siya,’yung ganoon, ‘yung hindi mabait,” sabi ni Coleen.

“’Yun nga, roon sa ‘It’s Showtime’, hindi kami nag-uusap. Tapos kuya ang tawag niya sa akin. Pagkatapos ng kuya, wala lang, nag-uusap na kami. Then we started to hang out, kasama ang mga kaibigan niya, Tapos ayun na,” sabi naman ni Billy.

Kung ang first impression ni Coleen kay Billy ay mayabang, ano naman ang first impression ni Billy kay Colleen?

“Well, ang first impression ko sa kanya, of course, very very beautiful,” sagot ni Billy.

Noong nagkakausap at nakakasama nang lumabas ni Billy si Coleen ay marami siyang nadiskubre sa girlfriend.

“I just really found out na grabe palang matalino si Coleen. She’s very down to earth, mabait, and tahimik, pero ‘pag kinausap mo, full of life, full of energy,” sabi pa ni Billy tungkol kay Coleen.

Dagdag pa niya, “Blessed ako na nakilala ko si Coleen. And until now, everyday, palaki ng palaki ‘yung pagmamahal ko sa kanya.”

Nabura naman ang masamang impression ni Coleen kay Billy noong nakilala niya na itong mabuti at maging boyfriend.

“He proved me wrong, hindi pala siya ganoon. Total opposite siya ng akala ko, ‘yun ‘yung totoong siya. Sweet siya, thoughtful, very approachable, very humble, napakabait na tao and not just to me, sa lahat ng mga nakikilala niya. Genuine na mabait siya,” papuri naman ni Coleen kay Billy.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …