Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
????????????????????????????

Sa usaping one night stand: Piolo Pascual, ayaw magpakasanto

BAGONG putahe kay Piolo Pascual ‘yung may Dawn Zuluetana siya, mayroon pang Coleen Garcia para sa pelikulang Love Me Tomorrow. Kumbaga, ang sarap ng posisyon niya. Pero mas daring at palaban ang love scene niya kay Coleen kompara kay Dawn. Nagsimula lang ito sa one night stand.

Pabor ba si Papa  P na magsimula sa one night stand ang pakikipagrelasyon?

“Kristiyano po kasi ako, eh. Siguro if I were to be with someone, siguro I’d want it the old traditional way. I would prefer a random one night, but you’ll never know, so for me, personally, ayoko po sana ng ganoon,” mabilis niyang tugon.

Diretso rin siyang tinanong kung na-experience rin ba niya ang one night stand

“Ayokong magpaka-santo, pero ayoko na lang sagutin,” pakli niya na tumatawa.

Normal na ba ngayon ang one night stand?

“I don’t want to say it’s normal but you know if you love yourself… I mean, it’s not even about religion, it’s about preserving yourself for someone who deserves it. So parang hindi naman kailangan, eh. If it’s the norm, you don’t have to follow the norm. Nasa sa iyo naman ‘yon, eh, kung hanggang saan mo irerespeto ang sarili mo o kung hanggang saan ang kaya mong ibigay. So, kanya-kanya ‘yan,” bulalas pa niya.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …