Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

EA, sa kapatid na beki humuhugot

SUPORTADO ng LGBT ang nakaaaliw na pelikula nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman na Pare Mahal Mo Raw Ako na showing sa June 8.

Sa kanilang presscon, naging sentro ng tanong ang tungkol sa kabadingan.

Of course, hindi maiaalis ang tanong kung posibleng ma-in  love ba sila sa gay at kung gaano kalaki ang respetong maibibigay nila sa mga member ng third sex.

Si EA (Edgar Allan) ay aminadong may kuya siyang bading kaya pinaghugutan niya ito sa kanyang papel sa Pare Mahal Mo Raw Ako.

“Kasama ko araw-araw ang kapatid ko, ramdam ko kung kailan siya masaya. Alam ko kung kailan siya may pinagdaraanan. Every scene na may saya, may kurot, may sakit, ang kapatid ko ang pinaghuhugutan ko kasi ‘pag iniisip ko ‘yun naiiyak na ako, eh,” deklara ni Edgar.

Hindi niya ikinahihiya kung may gay siyang kapatid bagkus minahal niya ito. Nariyan daw siya para ipagtanggol ang utol niya ‘pag may nang-api rito.

Si Michael naman ay hindi isinara ang posibilidad na magmahal ng isang gay.

Depende raw kung paano siya mahalin at kung gaano ito kabait.

“Ayokong magsalita ng tapos na hindi ako papatol sa bading. Pero sa ngayon, hindi talaga hangga’t kumakain pa ako ng tatlong beses sa isang araw. Pero hindi naman sa pera lang ang habol ko sa bading. Ang ibig ko lang sabihin ‘yung kapag walang-wala na ako, talagang naghihirap na ako, ‘yung wala na akong matatakbuhan, tapos may dumating na pagkakataon na may bading na nagkagusto sa akin na makatutulong sa akin, baka sakaling pumatol ako,” deklara niya.

Malaki raw ang nagawa ng bading sa buhay niya at career. Masaya raw kasama ang mga bakla. Walang problema na maging kaibigan ang mga ito basta’t walang bastusan at dadakmain siya.Rebelasyon din niya na sa isang show sa Iloilo ay may isang bading na talagang  nahipuan siya at sakto talaga sa maselang parte ng katawan niya. Pasalamat daw ‘yung baklang ‘yun at hindi nahawakan ni Michael ang kamay nito or else, hindi niya alam kung ano ang magagawa niya.

Anyway, excited si Michael sa nalalapit na showing ng kanyang movie.

“Thank God at maipalalabas na finally sa malaking telon itong napakasayang pelikula naming ‘Pare Mahal Mo Raw Ako’. Minsan na nga lang tayo nakaaarte sa screen, akala ko mauunsiyami pa. Ha!Ha!Ha!” natatawang  pahayag ng guwapong singer-actor.

“Dito ko pa naman ibinuhos ang kaunting nalalaman ko sa pag-arte tapos natagalan pa bago maipalabas. Pero ngayon puwede na nating i-announce that we got the June 8 playdate na and that’s final,” dugtong ni Michael.

Bukod kina Michael at EA, kasama rin sa pelikula sina Joross Gamboa, Martt Evans, Anna Capri, Katrina Legaspi, Nikko Seagal, Miggy Campbell, at Ms. Nora Aunor.

Bukod sa director ng Pare Mo Raw Ako si Diek Joven Tan ay isa rin  sa producers nito kasama sina Jobert Sucaldito, Fred Sibug, Carlos Sario Jr., at Capt. Ernie Moya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …