Sunday , December 22 2024

Vendors sa Baclaran aayusin

MAGANDA ang proyekto ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Parañaque sa illegal vendors na sakit ng ulo ng administrasyong Edwin Olivarez.

Sa ikalawang administrasyon ni Meyor Edwin, isang malaking proyekto sa gitna ng kalsada ng Redemptorist Road ang planong itayo ang isang 3 storey na gusali, na paglalagyan ng vendors, nang sa gayon ay maging maluwag ang daanan ng mga sasakyan ng mga deboto ng Redemptorist Road sa Baclaran.

***

Wala nang vendors ang ilalim ng gagawing gusali, maging ang mga may-ari ng establisyemento ay ‘di puwedeng maglabas ng kanilang paninda. Ang ikalawa at ikatlong palapag ang paglalagyan ng vendors na legal na magbabayad sa mga stall na pupuwestohan. Ang bawat renta ay pandagdag sa kaban ng lungsod ng Parañaque.

***

Umani ng papuri si Meyor Olivarez sa proyektong ito, hindi niya babawalan magtinda ang mga vendor, sa halip ay kanyang pagkakalooban ng puwesto na hindi nakahambalang sa kalye, na napeprehuwisyo dahil sa walang tigil na panghuhuli ng mga awtoridad, dahil wala nang madaanan ang mga sasakyan pati na mga taong nagsisimba sa Redemptorist Church.

‘Saklang Patay’ bawal na

Mahigpit na ipinagbabawal ng mga alkalde sa southern part ng Metro Manila ang sugal na ‘Saklang Patay’ partikular sa mga lungsod ng Pasay, Parañaque at Las Piñas. Ayaw ng mga Alkalde ng nabanggit na mga lungsod, dahil nagiging mitsa ito ng maliliit na krimen at marami ang nagugumon sa sugal.

***

Ayon kay Mayor Tony Calixto, nakatutulong ang saklang patay sa pamilyang namatayan, ngunit mas marami ang namamatay sa gutom na pamilya, lalo na kung ang mga padre de pamilya ay nagugumon sa sugal. Kaya ang kanyang administrasyon ay may nakalaang pondo para tumulong sa mga pamilyang namatayan.

Gayon din ang katuwiran ni Meyor Edwin Olivarez, bukas ang kanyang tanggapan, sa mga lumalapit na namatayang pamilya ng kanilang mga mahal sa buhay. Higit ang pangamba ng alkalde na maging kabataan ay posibleng magumon sa sugal kapag pinabayaan.

Katuwiran naman ni Meyor Nene Aguilar ng Las Piñas, sa kanyang sakop na mga Barangay ay alerto na ang mga Kapitan na handang tumulong sa mga namatayan.

***

Ganyan… puwede naman palang walang saklang patay sa isang lugar, pero totoo nga kaya? Tingnan natin… abangan!

Kung minsan totoo ang layunin ng mga Alkalde, pero lingid sa kaalaman nila puwedeng ‘Kangaroo’ at nagtatago… pero teka, makalulusot ba ‘yan sa mga pulis? Ating mamanmanan kung may katotohanan!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *