Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Radio Active nasungkit ang unang leg

051716 Radio Active
TODO hataw si class A jockey John Alvin Guce sakay ng kabayong si Radio Active na kumawala sa huling kurbada at pangunahan at angkinin ang 2016 PHILRACOM 1st Leg Triple Crown Stakes Race series sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite City. ( HENRY T. VARGAS )

NASUNGKIT ng kabayong si Radio Active na sinakyan ni John Alvin Guce ang unang leg ng 2016 PHILRACOM “Triple Crown Stakes Race” sa pista ng Sta. Ana Park.

Sa largahan ay isa sina Alvin na nasabay sa magandang alisan, kaya naman nakasunod agad siya sa nagdikta ng harapan na si Dewey Boulevard. Pagdating ng medya milya ay sinimulan ni Alvin na galawan ang kanyang sakay at walang anuman na kumamot ng husto si Radio Active hanggang sa makuha ang bandera bago dumating sa huling kurbada.

Pagsungaw sa rektahan ay lalo pang nagalit si Radio Active  at lumayo ng may walong agwat hanggang sa makarating sa meta. Naorasan siya  ng 1:41.0 (26-24’-23’-27) para sa 1,600 meters na distansiya.

Malayong nagwagi ang kabayong si Guatemala na nirendahan ni Kelvin Abobo sa 2016 PHILRACOM “Hopeful Stakes Race” at gumawa ng tiyempong 1:43.6 (26’-24’-25-27’) sa 1,600 meters na laban. Samantala sa idinaos na 2016 PHILRACOM “3YO Locally Bred Stakes Race” ay napanalunan naman iyan ng deremateng kabayo ni Ginoong Wilbert Tan na si Mount Iglit na pinatnubayan ni Dan Camañero at tumapos ng 1:46.2 (26’-24’-25’-30) sa 1,600 meters din na distansiya.

REKTA – Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …