Sunday , December 22 2024

Maraming jobless sa mga natalong kandidato

MALAS na masasabi sa mga staff ng mga natalong kandidato na dating nakapuwesto, ano man ang posisyon ng kanilang bosing. Gaya sa lungsod ng Pasay, hindi nanalo bilang vice ma-yor ng Pasay si Marlon Pesebre na dapat ay nasa ikatlong termino na at dahil hindi nagwagi, tiyak na magugutom at wala nang trabaho ang kanyang mga personnel.

***

Sa supporters na nagpakahirap sa kanilang mga kandidato na pinangakuan ng trabaho saka-ling manalo, hindi na matutuloy dahil talunan ang kanilang kandidato, kaya hanap na lang ng ibang trabaho!

Amadeo, Coffee Capital of the Phils

Kung ang General Trias Cavite ay naging maunlad ang ekonomiya, dahil mula sa agrikultura ay naging industrial site, kitang-kita ang pag-unlad, napakaganda ng kalsada,at mga naglalakihang industrial business ang nakatayo, kaya hindi tayo magtataka kung isang araw ang sumunod na bayan ang Amadeo, Cavite ay may nakaambang pagtaas ng ekonomiya.

***

Dahil walang sapat na pondo ang kaban ng lokal na pamahalaan dito, dapat siguro ay makita ng mga dayuhang investors, dahil  ang bayan ng Amadeo ay may siyam na kilometro lamang mararating na ang Tagaytay City. Kung ikaw ay magdaraan sa Cavitex madaraanan ang EPZA sa Rosario Cavite.

***

Sinabi ni bagong halal na dati rin alkalde na si Tic Ambagan, sa kanyang muling pag-upo ay pumapayag siya sa joint ventures sa sino mang investors kung makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bayan ng Amadeo.

***

Kilala bilang taniman ng Kape, at mga prutas gaya ng pinya, saging at langka ang bayan ng Amadeo, bukod pa sa mga organic vegetables, marami nang may-ari ng bukirin ang nagbebenta na ng kani-lang pag-aa-ring lupa, dahil sa bumabang ekonomiya sa kanilang bayan, kaya hinihimok ni Mayor Ambagan ang mga foreign investors na mamuhunan sa kanilang bayan at bukas ang kanyang tanggapan sa pag-uusap na may kaugnayan sa mga negosyong nais itayo sa bayan ng Amadeo.

Malakas pa rin ang hatak ng INC

Minsan nang pinatunayan ng INC ang kanilang kamandag pagdating sa pagsuporta sa mga kandidato sa ating bansa, basta dinala ka ng Iglesia, hindi man lahat, mas nakararami ay nananalo.

***

Kung ang mga Katoliko lamang ay may pagkakaisa, puwedeng higitan ang INC, dahil alam naman nating lahat na mas nakararami ang mga nasa relihiyong Katoliko, ang sistema, hindi nangyayari, dahil ang mga Katoliko ay may mga sariling pag-iisip, kung sino ang gusto nila walang pakialam ang simbahang Katoliko.

‘Di gaya sa INC, na kapag sinuway nila ang kataas-taasang inistro nila, feeling nila ay isang napakalaking kasalanan ang kanilang ginawa!

Kung may sumbong,reklamo at opinyon, mag-email lang sa [email protected]

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *