Tuesday , March 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eddie Bong Soriano The Bravest Knight
“THE BRAVEST KNIGHT” ay istorya ng isang kabataang magsasaka na naging kabalyero, siya si Sir Cedric, ay likha ni Daniel Errico sa direksiyon ng napapanahong Filipino animator na si Eddie “Bong” Soriano, para sa Big Bad Studios. (Image courtesy ng Big Bad Studios /Hulu) NOMINADO ang multi-awarded Filipino animator, si Eddie “Bong” Soriano sa Canadian Screen Awards para sa kanyang TV animation series, “The Bravest Knight” na gaganapin sa 28 May sa Toronto.

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage.

Dahil sa galing ng multi-awarded animator na si Eddie “Bong” Soriano, sa binuo niyang “The Bravest Knight” TV series, nominated siya bilang best director for animation sa 2026 Canadian Screen Awards na gaganapin sa 28 May sa Toronto.

Ito na ang pangalawang nominasyon niya sa popular tv cartoon series. Una siyang na-nominate bilang best director sa Leo Awards British Columbia noong 2020.

Para kay Bong, ang “pagkaka-nominate sa akin ay isa na ring panalo.”

Hindi na bago kay Bong ang umani ng mga papuri at awards.

Ang idinirehe niyang “16 Hudson” Season 3 ay nagwagi bilang Best Animated Series sa 2025 Telly Awards. Una nang nanalo ang animation series sa nasabing award-giving body noong 2021.

Naging nominado rin ang “16 Hudson” sa Leo Awards British Columbia sa Best Picture Editing noong 2022.

Ang kanyang “1001 Nights” na produced ng Big Bad Studios ay hinirang na Best Animated TV Series sa Leo Awards British Columbia noong 2012.

Kinilala rin ng Emmy Awards ang kanyang Christmas Special, “Arthur’s Perfect Christmas” noong 2000 kung kailan binigyan siya ng certificate of appreciation.

Nagsimulang magpakita ng kakaibang talent sa pagdo-drowing si Boong nang naging editorial cartoonist siya sa The Quezonian, official student publication ng Manuel L. Quezon University noong 1980s.

Pumasok siya professional career bilang in-betweener sa FilCartoons sa Filipinas noong 1987.

Nagbukas ito nang maraming oportunidad para magtrabaho at mahubog na world class animator sa sikat na global brands tulad ng Walt Disney, Warner Brothers, at Hanna-Barbera.

Humanga sa kanyang gift ang Delany and Friends Productions na nag-sponsor sa kanyang magtrabaho sa kanilang studios sa Canada noong 1993.

Bago pa man matapos ang kanyang one year contract, kinuha siyang storyboard artist ng Studio B.

Doon na niya sinimulan magdirihe ng animation at nakilala ang kanyang mahal sa buhay na si Claire at nagkaroon ng dalawang anak – sina Jason at Edward.

Ang kanyang sigla at init sa propesyon ang nagdala sa kanya sa iba-ibang bansa sa buong mundo:

Sa Vancouver, Cinar, at Nelvana sa Toronto, Canada; Moonscoop at Toonzone sa Los Angeles, USA.

Noong mid-90s, nagtrabaho siya bilang storyboard artists sa Brown Bag sa Ireland para sa “Peter Rabbit” at sa Italy at Timing para sa “Royal Academy” Trailer.

Inspirasyon ni Bong sa lahat ng kanyang tagumpay ang kanyang mahal na asawa at mga anak at higit sa lahat, sa kanyang ina, Norma Soriano.

“Mahal ko kasi ang ginagawa ko,” dagdag niya.

Labis-labis din ang kanyang pasasalamat sa pinagkakatiwalaan niyang team, “yung show namin ay animated d’yan sa Sta Rosa, Laguna, Philippines ng Snappy Cartoons na pinangangasiwaan nina Jojo and Nini Reynon. Sina Mai Mendy at Paddy Gillen ng Vancouver ang producers at coordinator ng proyekto.”

“I’m so proud of those guys and Philippine animators,” papuri niya.

Hinikayat ni Bong ang mga kababayan lalo sa Filipinas na suportahan ang Pinoy animators at ang kanilang mga likha sa Hulu streaming platform para Makita ang world class talents at skills ng maraming Filipino animation artists. (SONNY E. FERNANDEZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …

Lance Carr Harana

Lance Carr nagpaliwanag sa viral Harana video

I-FLEXni Jun Nardo UMINGAY ang pangalan ni Lance Carr nang mag-viral ang pagkanta ng awiting Harana sa mga candidate …

Kiray Celis

Kiray inamin mas malaki kita sa live selling

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO si Kiray Celis na mas malaki ang kinikita niya sa live selling kaya …

Barbie Imperial Annabelle Rama

Nagkikislapang alahas ni Barbie bigay ni Annabelle

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI itinanggi ni Barbie Imperial na ang makikinang na suot-suot niyang alahas sa …

Richard Gutierrezsa Barbie Imperial Blood vs Duty Gerald Anderson Bela Padilla Baron Geisler

Richard matagal nang gustong makatrabaho si Barbie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “I’VE been wanting to work with Barbie.” Ito ang walang kagatol-gatol na …