Thursday , March 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala ang pamilya ng writer ng Wattpad series na si Yanalovesyouu (the late Diana Marie Serrato).

Proud ang mga parent at anak ng yumaong writer dahil finally ay mapapanood na sa Viva One ang isinulat na kuwento ng anak na ngayo’y may daang milyon ng reads at base sa trailer ng show, humamig na ng lampas 14 million views.

Masaya po kami sa opportunity na ibinigay ng Viva. Alam naming lubos din ang saya ng aming anak,” sey ng parents ni Yana.

Sa pinagbibidahang serye ay first time na magkakasama sina Joseph Marco at Rhen Escano. Sa trailer ay kitang-kita ang maganda nilang rapport at chemistry at hindi nga namin inakala na puwede rin pala sa comedy si Marco, bilang ang nasabing series ay isang romance-action-comedy sa direksiyon ni Fifth Solomon.

Ang iba pa nilang kasama sa series ay pawang magaganda at guwapong mga newbies na umaasang mapapansin sila gaya nina Frost Sandoval, Sar Joe, Jaime Yllana, Icee Ejercito, Kyosu Guinto, Aaliyah Coco, Dann Aquino, R-Ji Lim, PJ Rosario, Maru Delgado, Ara Mina, at Priscilla Meirelles.

Sa April 11 na ito matutunghayan ang serye sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Alfred Vargas

Alfred isinusulong mahigpit na Anti-Bullying Ordinance sa QC  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANAWAGAN si Quezon City Councilor Alfred Vargas para sa isang komprehensibong pagsusuri at …

Miles Obra Disco Forever D4E Concert

Mga nagpasikat sa 70s, 80s, 90s steps magpapasabog sa D4E

HARD TALKni Pilar Mateo SAYAW! Disco 4 Ever. D4E. Dance concert sa March 21, 2026 …

Vilma Santos Ekstra

Vilma naniniwala sa lakas, katapangan ng mga kababaihan sa makabagong panahon

HARD TALKni Pilar Mateo PAGPUPUGAY sa mga kababaihan sa buwan ng Marso. At idinaos sa …

Wilbert Tolentino PCU

Wilbert Tolentino gumradweyt sa edad 50: It’s never too late to learn

WALANG pinipiling edad ang edukasyon. Ito ang pinatunayan ng influencer, businessman, at talent manager na …

Batch 86 V Mapa High School Inter Batch Basketball League 2026

Batch 86 kalahok sa V. Mapa High School Inter Batch Basketball League 2026

MATABILni John Fontanilla NAGSIMULA na ang V. Mapa High School Inter Batch Basketball League noong …