PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong gesture nito para sa isang nagpasaklolong netizen.
Ang netizen ay tila naghahanap ng makakausap at nagtanong sa mga nakakabasa ng kanyang saloobin.
Ayon sa isang post niya, “anyone na psychiatrist po? need ko po ng consultation kahit online. Pls?”
Sinagot naman ito ng batikang TV personality, “I DM’d you. Tight hug.”
Ayon pa sa post ng netizen na kalauna’y napag-alaman na isang babae ay halos desidido na siyang tapusin na ang kanyang buhay dahil sa pinagdaraanang mga problema.
Post nito, “I was about to end my life tonight. Just in time my phone beeped. And it was @kuyakim_atienza message (emojis). Sobrang thank you Kuya. Grabeee, naiiyak ako now (emojis).”
Sa huli’y humingi ng kapatawaran ang netizen sa kanyang pamilya, boyfriend, at anak. Labis-labis din ang naging pasasalamat niya kay kuya Kim dahil sa nagawa nito sa kanya kahit sa pamamagitan lang ng online.
Lalo namang hinangaan si Kuya Kim dahil nag-offer ito ng follow-up sa expert in the field at inako na ang walong therapy session na pagdaraanan ng nagpasaklolong netizen.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com