MATABIL
ni John Fontanilla
AFTER Alden Richards ang Kapamilya actor namang si Paulo Avelino ang makakasama ni Nadine Lustre sa isang malaking proyekto.
Karamihan sa mga eksena ng pelikula ng mga ito ay kinunan pa sa Paris.
Dito masusubukan kung tatangkilin ng mga manonood ang proyekto ng dalawa.
Marami namang netizens ang excited sa tambalang Paulo at Nadine, at ito ang ilan sa kanilang komento.
“Riyan masusubukan ang werpa nila. Definitely, acting piece ito at hindi pabebe.”
“Wow. An acting collab of two Urian award-winning actors.”
“In fairness, may chemistry sila.”
“Am excited for this project.”
“Ang cute ng height difference nila! Hehe tapos mga best actress at best actor pa.”
“Can’t wait for this!! Parehas may ibubuga eh”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com