Thursday , March 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
QCPD Quezon City

Mahigpit na batas vs “repeat offenders” isinusulong ng QCPD

DAHIL sa “repeat offenders” o paulit-ulit na gumagawa ng krimen ang kadalasang naaaresto at nakalalabas sa pamamagitan ng pagpipiyansa, ang Quezon City Police District (QCPD) ay magsusumite ng panukala upang amyendahan ang mga batas laban rito.

Sa isang press conference sa Camp Karingal, binigyang-diin ni Police Brig. Gen. Randy Glenn Silvio ang pangangailangang matugunan ang problema sa mga suspek na kahit maraming beses nang naaresto ay nakababalik pa rin sa lansangan para muling managasa.

Ayon kay PBGen. Silvio, sa mahigit 12,000 na naaresto ng QCPD noong 2025, 60 porsiyento ay repeat offenders.

Isa sa mga inihalimbawa ni PBGen. Silvio, ang isang 27-anyos suspek na kinilalang si alyas Eugene, na drayber ng getaway motorcycle sa isang ‘basag-kotse’ incident nitong 25 Pebrero.

Sa rekord ng pulisya, 24 beses nang nadadakip, kung saan 18 dito ay kaso ng pagnanakaw (Theft). Nadakip din ang mga kasabwat ni Eugene na sina Jhon Allen, Jaymark, at Genel noong 2 at 3 Marso. Sila ay magkakasama sa isang compound sa Tondo, Maynila.

Nabawi sa kanila ang mga gamit na nagkakahalaga ng P75,000.

Ayon kay PBGen. Silvio, kasalukuyan nang bumubuo ng datos ang QCPD para sa isang proposed letter na layong higpitan ang batas sa pagpipiyansa ng mga madalas mahuli at ito ay kanya rin isusumite sa National Capital Regional Police Office. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Warrant of Arrest

Most wanted rapist ng Ermita, nasakote sa Bulacan

ISINILBI ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa isang lalaki na may kasong panggagahasa …

Swiss Knife Blood

18-anyos na estudyante patay sa saksak, tatlo arestado

SA isinagawang hot-pursuit operation ng kapulisan ay matagumpay na naaresto ang tatlong kalalakihan, kabilang ang …

PSC POC Philippine Sports Hall of Fame GAB

Mga bagong alamat, magniningning sa Philippine Sports Hall of Fame

ANG prestihiyosong Philippine Sports Hall of Fame ay tatanggap ng ikalimang pangkat ng mga inductee …

Goitia

Goitia: Sa Gitna ng Krisis, Kalinawan ang Dapat Manaig

Sa gitna ng tumataas na presyo at pagbigat ng gastusin, hindi nakapagtataka ang pagkadismaya ng …

airplane middle east

8 OFWs mula Middle East sinalubong, inayudahan sa Kapitolyo ng Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Naging instrumento ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador …