RATED R
ni Rommel Gonzales
TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid niyang sina Ate Jackat Kuya Jeffery Santos sa pag-aalay ng masaganang salo-salo tuwing sumasapit ang kaarawan ng kanyang dakilang ina na si Mommy Carol Santos, February 25 .
Ngayong taon, March 1 idinaos ang birthday party ni Mommy Carol sa pabolosong restoran ng mahusay na si Chef Jessie Sincioco sa Makati.
Siyempre hindi puwedeng mawala sa pagtitipon ang loving husband ni Judy Ann na si Ryan Agoncilloat ang mga anak nilang sina Yohan, Lucho, at Luna at ang parents ni Ryan na sina daddy Chito at mommy Nina Agoncillo.
Kasama naman ni Jeffrey ang misis niyang si Ynna Santos at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ni Jack.
In full force siyempre ang team Judy Ann na sina Tippy Fernandez with husband Diong, Ralph Mercado, Jeff Aromin, Nonong Geronaga, Carmi David, at Anna Melissa Dasig minus my mareng Mary Jane Buencamino na kasalukuyang nasa New Zealand.
Napakaganda talaga ng boses ni Yohan na naghandog ng tatlong kanta para sa kayang lola, na Mama Ca ang tawag niya.
Winner ang eksena na habang kumakanta ng Dancing Queen si Yohan ay nagsasayaw naman sina Juday at Ryan, at isinasayaw din si mommy Carol ng apo niyang si Lucho at iba pang mga apong lalaki.
Nasa party at umawit din ang mga music diva na sina Ivy Violan at Faith Cuneta. Si Ivy ay galing pa raw sa US at from the airport ay dumiretso na sa party ni Mommy Carol.
Dumalo rin at nagbigay-pugay sa birthday girl ang isa pang matalik na kaibigan ni mommy Carol, ang Presidente ng PTV 4 na si Ms. Malou Choa-Fagar, at sina Mother Biboy Arboleda, direktor Trina Dayrit gayundin ang bestfriend ng may kaarawan na si mommy Amy Pascual, ang ina ni Piolo Pascual.
Nakatutuwa rin na karamihan sa mga Canada-based friends ni Mommy Carol ay umuwi sa Pilipinas para lamang makadalo sa ganap ng ina ni Juday, gayundin ang karamihan sa 1964 school batchmates niya.
Siyempre in attendance rin ang mga showbiz reporters na malapit kay mommy Carol, ang inyong lingkod, Allan Diones, Rohn Romulo, Anna Pingol, Reggee Bonoan, Kristina Orfiano, at tita Aster Amoyo.
Hindi nakarating si Noel Ferrer, ang butihing manager ni Ryan dahil may meeting ito na hindi maiwan, at sina Martin Nievera at Joy Alonzo na kapwa nasa abroad.
Sa totoo ay 79 years old pa lamang si mommy Carol pero dahil may paniniwala tungkol sa pagse-celebrate ng edad na zero ang huli kaya itinuring na 80 si Mommy Carol ngayong 2026.
Continuation ng birthday celebration ni Mommy Carol ay ang bakasyon niya sa Thailand at Vietnam. Mahilig siya talagang bumiyahe sa kung saan-saang bansa.
Happy, happy, happy birthday, Mommy Carol! Mahal na mahal ka namin!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com