Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED R
ni Rommel Gonzales

APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Pero ayon mismo kay Elle, hindi pa siya ready na magpakasal kay Derrick.

Lahad niya, “Parang hindi pa. Gusto ko pa ng achievement, more achievement pa.

“And contented. Actually contentment, may contentment na ako sa life.

“But then I feel like I wanna do more before I settle.”

May ideal na edad ba siya para mag-asawa?

“Alam mo, sabi ko noong una, by 24, gusto ko nang ikasal. Gusto kong magkaroon ng baby. 

“Tapos naging 28. Tapos ngayon naging 30 na.

“Thirty, I just turned 30. So paiba-iba, eh. Alam mong mararamdaman mo naman when is the right time.

“I don’t want to dictate an age kasi ikaw lang ‘yung mape-pressure, ‘di ba? So iyon.

Walang specific age for me sa ngayon, kung kailan ko lang mararamdaman.”

Kung si Derrick naman ang tatanungin, “Ako? Wala. Naka-base ako sa kanya,” reaksiyon ng Sparkle actor.

“It’s important for her to, to grow on her own, na ma-achieve pa niya ang mga dapat niyang ma-achieve.

“Siyempre, ako, patient lang naman ako. Basta I’ll do what I do.

“Gagalingan ko sa lahat ng bagay at ita-try kong maging… ita-try kong mag-save for our future.

“Para ‘pag ready na siya, ready na ako.”

Handa na ba si Derrick ngayon?

Ah, ngayon, ready na ako,” mabilis na sagot ng binata.

Bida sina Elle at Derrick sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo na umeere na ngayon at napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …