Wednesday , March 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pinky Amador Marcos

Pinky Amador pinanindigan pagpupugay at ‘di pagpapalit ng political color

RATED R
ni Rommel Gonzales

SINAGOT ni Pinky Amador ang isyu laban sa kanya bilang “kain-suka.”

Nag-ugat ito sa pagpunta ni Pinky sa An Evening with the Stars sa Malacañang Palace nitong February 13, 2026.

Event ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Si Pinky ay kilalang isang Kakampink o supporter ni former Vice-President Leni Robredo.

Hayagan kung batikusin ni Pinky ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Pangulong Bongbong.

Sa presscon ng Apoy sa Dugo ng GMA ay si Pinky na agad ang nagsabing, “Alam ko na tatanungin mo sa akin. Alam ko na.

“KS ba ‘yan? Starts with KS?

“Okay, gusto ko lang sagutin ‘yung mga tinu-troll at ibina-bash sa akin na ‘kain-suka.’

“First of all, never ko namang kinain ang UniTeam. 

“Mukhang sila naman ang isinuka ng UniTeam.”

Ang UniTeam ay ang political alliance noong 2022 national elections na presidential candidate pa si Bongbong at vice-presidential candidate si Sara Duterte.

Si Pinky ay sumuporta sa mga kalaban nina Bongbong at Sara, sina Leni  at Kiko Pangilinan.

Bakit siya dumalo sa An Evening with the Stars?

Isa po itong pagpupugay sa mga artista sa pinalakang-tabing, sa dula, at sa telebisyon.

“Kung titingnan niyo po ang mga inimbita nila, a lot of them were Kakampinks.

“So, tatanungin niyo, bakit nila kami binibigyan ng pagpugay, ‘di ba?

“So, parang ano, parang kinakamayan ka lang. 

“Sasampalin mo ba ‘yung kamay o kakamayan mo rin?

“And sa tingin ko naman, sa pag-attend sa isang dinner para po sa pag-honor sa mga artista, na 43 years ko na itong ginagawa—I will give them that respect.”

Personal niya raw kilala ang mag-asawang Marcos.

Pangalawa, kilala ko po sila personally. When they were in exile, they would come to London.

“Pangatlo, ‘ guys ‘yung tita ko po is their cultural mentor, so I know them personally,” pagtukoy ni Pinky kay Zenaida “Bibot” Amador, ang co-founder ng theater group na Repertory Philippines.

And it doesn’t mean that I attend one dinner, I change my political color. Hindi po ganoon.

“Puwede namang nagbibigay ka ng respeto pero nandiyan pa rin ang paninindigan mo.”

Saad pa niya: “Kami naman, binibigyan ng pugay. Ako naman, 43 years ko na itong ginagawa.

“Hindi naman… hindi ko naman ugali mambastos ng ganoon.

“At saka, hindi naman nagbago ang aking political color. So, why not?”

Inisa-isa rin ni Pinky ang mga nakasama niya sa event na mga Kakampink din.

Ang mga kasama ko po noong gabing ‘yun, Boots Anson-Roa, John Arcilla, Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Nikki Valdez, Maris Racal, Bela Padilla… lahat po ‘yun are from the opposition.

“Lahat po ‘yun gumawa ng kampanya against them [Marcos-Duterte tandem], and yet, nag-attend sila.

“Pati si Ashley [Ortega] nandoon, ‘di ba?

“It doesn’t mean ganoon ka na. It means it’s for the industry and we will honor the industry.”

Ang isyung “kain-suka” ay nag-ugat sa Facebook post ng direktor na si Darryl Yap noong February 15.

Deretsahang pinasaringan ng kontrobersiyal na direktor, na maka-Marcos, sina Pinky at Pokwang, sa pagdalo ng mga ito sa event sa Palasyo.

Bahagi ng post ni Darryl, “Dati akala ko, malakas na ang loob ko, akala ko makapal ang mukha ko—

“pero nung nakita ko ang pictures nila Pokwang at Pinky Amador sa paparty ni Bongbong Marcos,Isa pala akong Mahiyain.

“HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHHAHAHA!

“yung isa, inalipusta si Ella Cruz dahil sa pagsuporta sa Marcos, yung isa akala mo kung sinong santa sa pag-iinarte at pagsigaw ng Magnanakaw at Human Rights, ayun— present sa pabuffet ng suka.

“Walang masama kung nagbago na ang kanilang paniniwala, or baka wala silang hapunan ng gabing iyon.

#

“Ang masama ay yung sakit ng salita, panlilibak at panghuhusga nila sa kapwa nung panahon ng kampanya, hindi na mababawi iyon.”

Samantala, ang iba pang cast members  ay sina Derrick Monasterio at Elle VillanuevaThea Tolentino, Cai Cortez, Patricia Coma, Ricardo Cepeda, Toniyuh, at Larkin Castor, sa direksiyon ni Ralfh Manuel Malabunga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Yuki Sonoda at Kelley Day, nakaka-relate sa filmfest entry na “All About Her” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG mga Pinoy na mahilig sa beauty contest ay dapat …

Jeric Gonzales Elizabeth Oropesa Graduation Day

Jeric at Elizabeth tampok sa pelikulang “Graduation Day” showing na sa March 18

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATINDING drama na aantig at kukurot sa puso ng moviegoers …

Alex Castro Sexbomb Sunshine Garcia

VG Alex sa muling pagsasama ng Sexbomb — nakita  ko ‘yung saya sa asawa ko

RATED Rni Rommel Gonzales PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod …

Ervic Vijandre Dingdong Dantes

Dingdong at Ervic paghaharap, iniintriga

I-FLEXni Jun Nardo MAGING kami ay nagulat nang makita namin na guest sa Family Feud ang actor-politician …

Elias TV Sang-gre

Elias TV mapapanood sa Sang-gre 

I-FLEXni Jun Nardo PASOK sa GMA fantaserye na Sang-gre ang singer na si Elias TV. Ipinakita na ang teaser ng pagiging …