Thursday , March 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SPEEd Iza Calzado Dingdong Dantes

Dong, Iza, mga bigating bituin dumalo sa makasaysayang induction
SPEEd Prexy Tessa Ariola: pagkakaisa, pagtutulungan susi sa matatag na industriya

ni Allan Sancon

ISANG makulay at makasaysayang umaga ang naganap noong Pebrero 24, 2026 sa JY Hall ng The Bayanihan Center ng Unilab para sa Induction and Recognition Ceremony ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd

Dinaluhan ito ng mga bigating personalidad sa industriya tulad nina Ms Boots Anson-Roa Rodrigo, Rez Cortez, Ice Seguerra, Liza Diño-Seguerra, Pinky Tobiano, MTRCB Chair Lala Sotto, Chris Cahilig at marami pang iba,  patunay ng solidong suporta sa organisasyon ng entertainment editors.

Isa sa mga highlight ng pagdiriwang ang pagdalo bilang inducting officers ng mga kinatawan ng AKTOR: League of Filipino Actors na pinamumunuan nina Jose Sixto Dingdong Dantes III bilang Founder at Chairman, at Iza Calzado-Wintle bilang Presidente. Ang kanilang presensiya ay malinaw na mensahe ng pagkakaisa at iisang layunin—ang iangat ang antas ng industriya ng aliwan sa bansa at palakasin ang ugnayan ng mga artista at entertainment media.

Masayang ibinahagi ni Dingdong ang kanyang suporta sa SPEEd at ang mga plano ng kanilang organisasyon.

Maraming naka-line up sa AKTOR: League of Filipino Actors this year kaya excited kaming i-share lahat ito sa SPEEd. I’m sure maraming collaborations na mangyayari kaya masayang-masaya kami para sa induction ng kanilang mga bagong officer,” anang aktor.

Dagdag pa niya, “Very grateful na naimbitahan kami sa makasaysayang panunumpa ng organisasyong SPEEd.”

Samantala, pinangunahan ng bagong halal na SPEEd President, Tessa Mauricio-Ariola ang panunumpa ng mga opisyal at nagbigay ng makabuluhang mensahe tungkol sa kahalagahan ng bayanihan sa entertainment industry.

Sa bahagi ng kanyang talumpati, binigyang-diin niya na ang tagumpay ng industriya ay nakasalalay sa sama-samang pagkilos ng media, artista, producers at iba pang organisasyon.

 Aniya, mahalagang magkaisa at magtulungan ang bawat sektor para mas mapalawak at mapatatag ang industriya ng entertainment at panatilihin ang mataas na pamantayan sa entertainment journalism.

Kasama niya sa listahan ng mga bagong opisyal ang ating entertainment editor dito sa Hataw,  Maricris Valdez-Nicasio, VP Internal; Gerardine Trillana (Malaya Business Insight), VP-External; Ervin Santiago (Inquirer Bandera), kalihim; Rohn Romulo (People’s Balita), kapwa-kalihim; Dondon Sermino (Abante TNT at DWAR 1494), ingat-yaman; Anna Pingol (Pika-Pika.com), kapwa-ingat-yaman; Jerry Olea (PEP.ph), tagasuri; at mga opisyal ng ugnayang-pampubliko na sina Nickie Wang(Manila Standard), Janice Navida (Bulgar), at Neil Ramos (Tempo).

Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Eugene Asis (People’s Journal), Ian Farinas (People’s Tonight), at Salve Asis (Pilipino Star Ngayon at PangMasa), kasama sina Nestor Cuartero (Manila Bulletin at Tempo), Dinah Ventura (Daily Tribune), Jun Lalin (Abante), Nathalie Tomada(Philippine Star), Bobby Requintina (Manila Bulletin), at mga nagretirong patnugot na sina Dindo Balares (Balita) at Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer).

Ang seremonya ay hindi lamang pagtanggap sa mga bagong opisyal kundi isang malinaw na panata ng SPEEd na ipagpatuloy ang misyon nito para sa kahusayan sa entertainment journalism. Muli nilang pinagtibay ang kanilang pangakong suportahan ang mga proyektong magbibigay-pugay sa talento ng mga Filipino, kabilang ang patuloy na pagpapalakas sa The EDDYS at iba pang makabuluhang programa ng organisasyon.

Sa pagtatapos ng selebrasyon ay pinarangalan din ng SPEEd ang mga organisasyon at indibidwal na matagal nang katuwang at sumusuporta sa kanilang adhikain. Sa gitna ng mga palakpakan at pagbati, malinaw ang mensahe: sa pamamagitan ng pagkakaisa, kolaborasyon, at malasakit sa sining at pamamahayag, mas maliwanag ang kinabukasan ng Philippine entertainment industry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Yuki Sonoda at Kelley Day, nakaka-relate sa filmfest entry na “All About Her” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG mga Pinoy na mahilig sa beauty contest ay dapat …

Jeric Gonzales Elizabeth Oropesa Graduation Day

Jeric at Elizabeth tampok sa pelikulang “Graduation Day” showing na sa March 18

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATINDING drama na aantig at kukurot sa puso ng moviegoers …

Alex Castro Sexbomb Sunshine Garcia

VG Alex sa muling pagsasama ng Sexbomb — nakita  ko ‘yung saya sa asawa ko

RATED Rni Rommel Gonzales PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod …

Ervic Vijandre Dingdong Dantes

Dingdong at Ervic paghaharap, iniintriga

I-FLEXni Jun Nardo MAGING kami ay nagulat nang makita namin na guest sa Family Feud ang actor-politician …

Elias TV Sang-gre

Elias TV mapapanood sa Sang-gre 

I-FLEXni Jun Nardo PASOK sa GMA fantaserye na Sang-gre ang singer na si Elias TV. Ipinakita na ang teaser ng pagiging …