Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
YANIG ni Bong Ramos

Death penalty ibalik laban sa krimeng karumal-dumal at pandarambong sa bayan

YANIG
ni Bong Ramos

TILA wala na yatang takot sa Diyos at sa batas ang mga ‘kriminal’ na walang-awang pumapatay ng kanilang kapuwa gayon din ang mga manarambong na nag-nakaw sa kaban ng bayan na aabot sa trilyong piso.

Pinatay na, ninakawan pa… kundi man ay ginahasa muna bago patayin at may situwasyon rin na inaatado pa ang katawan ng kanilang biktima at saka itatapon sa iba’t ibang lugar.

Ganyan kabrutal ang mga kriminal ngayon na wala na rin konsensiya at kaluluwa, mantakin mong ultimo mga batang paslit na wala pang 10-anyos ay idina-damay? Tsk…tsk…tsk…

Hindi man mga mamamatay tao ay para na rin pinatay sa hirap ang milyon mong mga kababayan matapos sairin ang kaban ng bayan na nakalaan para sa flood control project.

Para lamang sa sariling mga interes, bilyong piso ang ninakaw ng mga mandarambong na tiniis ang milyon nilang mga kababayan na nakababad sa baha ang mga paa.

Ilan sa kanila ay mga congressman at mga senador na iniluklok ng taong-bayan upang sila ay paglingkuran at hindi upang nakawan.

Sa loob ng limang buwan mula noong 2025, tina-tayang limang bata na ang napapatay sa iba’t ibang dako ng bansa.

Sa limang ito, dalawa Rito ay babae na walang-awang ginahasa muna bago patayin at saka na lang Itinapon sa masukal na lugar.

Sa mga batang lalaki naman, ang isa ay walang-habag na pinagtataga hanggang mamatay sa San Pablo city, Laguna nito lang lumipas na buwan.

Ang mga biktima ay isang 8-anyos at isang grade 3 student, alam n’yo ba ang motibo ng suspect?

Makulit daw kasi ang bata at laging tinutukso ang kanyang apong babae na lagi niyang dinadatnang umiiyak, sobrang babaw na dahilan, ‘di po ba?

Ang huli naman ay isang 8-anyos na pinatay sa sopokasyon at saka itinapon sa isang kalamansiaan sa Victoria, Tarlac.

Una munang pinatay ang nanay na isang policewoman matapos barilin sa ulo. Natagpuan ang bangkay sa isang bukirin sa Pulilan, Bulacan.

Alam ba ninyo kung sino ang mga suspect, mismong ama ng bata na isang dating pulis (tinanggal na bilang respondent – ed), kumpare ng kanyang ama na isang dismissed na pulis, asawa ng kumpare na isang car agent at isa pang dismiss na pulis na nagsilbi sa kanila bilang driver at helper.

Sa madaling sabi, ang mga taong sangkot dito ay halos pulis lahat, to serve and protect daw. He he he…

Maliban dito ay marami pang patayan ang naga-ganap sa ating bansa. Una rito ang drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tinatayang 10,000 ang naging biktima.

Sinundan ito ng masaker sa Negros na si dating congressman Teves ang suspect at ang latest ay ang missing sabungeros na si Atong Ang ang bida.

Bukod kay Duterte na nakadetine ngayon  sa ICC detention cell sa The Hague, hindi pa rin malaman kung nasan talaga si Teves at itong si Atong na nawalang parang bula at pinaniniwalaang nasa Cambodia na.

Sa rami ng mga taong namatay na sila ang isinasangkot ay balewala lang na nag-disappearing act na lang iniwanang nakabinbin ang kinakaharap nilang kaso.

Parang mga langgam lang ang mga naging biktima na naghahabol nang wala namang hinahabol.

Sa situwasyong ito ay walang ibang sinisisi ang publiko kundi ang gobyerno na wala raw pangil at kamandag upang sugpuin ang ganitong mga insidente.

Wala raw nagiging sample, halimbawa, at resulta na sa simpleng salita ay walang naresolba.

Marami ang nagsasabi na ibalik muli ang death penalty upang magkaroon man lang ng kaba at kaunting takot ang mga taong nasa likod ng mga karumal-dumal na krimen.

Siguro naman kung may nakita nang binitay at namatay sa silya-elektrika ay kakabahan na sila at magdadalawang isip din bago isagawa ang krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …

PADAYON logo ni Teddy Brul

People Power revisited:
Ang kapangyarihan ng masa at dominasyon ng elitista

Ang mga larawan ay mula sa file photos ni Romeo Mariano. “KUMUSTA na, ayos pa …