PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami rin ang nagsasabing tila normal na talaga sa showbiz ang gumamit at sumakay sa isyung personal para mai-promote ang isang project.
Mayroon kasing ‘big’ project sa mundo ng teatro ang pagbibidahan ni Lea, kasama pa ang anak nitong transman at ilang famous theater artists gaya ni Rachelle Ann Go.
At dahil need ngang paingayin at pag-usapan ang project, siyempre pa, need daw na gawan o hanapan ng isyu ang mga kasali rito.
“Matagal nang hiwalay si Lea sa asawa. Kahit noong panahon pa na may pinagdaraanan ang anak nilang transman na ngayon.
“May mga istorya na sila na hindi pagkakasundo as a couple. Sistema lang talaga sa showbiz na ungkatin pa ito dahil may project na need i-promote.
“And yes, masakit mang tanggapin, pero kahit nga ‘yung pagiging ‘transman’ ng anak nila ay dapat ding isali sa usapan dahil marami ngang Marites sa bansang ito na tila hindi masaya sa mga bonggang accomplishments ng mga artist kung walang intriga o tsismis sa mga personal nilang buhay,” litanya ng aming kausap.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com