Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan

Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard at ng Chinese Embassy sa Maynila ay  hindi isang  simpleng sagutan  lamang kung hindi ito ay hayagang tangka upang patahimikin ang Pilipinas at subukin ang katatagan na ipaglaban ang karapatan  nito sa West Philippine Sea(WPS)

Makatotohanang ebidensya  at hindi propaganda ang inilalahad ng Coast Guard,” ani Dr. Jose Antonio Goitia. “Hindi nagiging mali ang katotohanan dahil lamang hindi ito kanais- nais sa iba.”

Ang mga pahayag ni Commodore Tarriela ay nakabatay sa opisyal na mga ulat, mga larawan, at  dokumentaryo ng katotohanang mga  insidente sa dagat. Hindi ito gawa-gawa lamang o  haka haka.Lalo nang hindi paninira sapagkat may kalapakip na ebidensya ng katotohanan dagdag pa ni Goitia.

Ang Transparency ay Mandato ng Estado

Ang pagpapahayag ng katotohanan ay hindi lamang personal na aksyon ng isang opisyal. dahil ito ay isang malinaw na  polisiya ng administrasyon ni Presidente Bongbong Marcos Jr. na ihayag sa mga Pilipino ang totoong nangyayari na walang itinatago.

“Kapag hinihingi ang pananahimik ng isang opisyal,” paliwanag ni Goitia, “ang tinatamaan ay ang patakaran ng estado. Ang transparency ay hindi opinyon. Ito ay pagpapaakita ng paninindigan ng Pilipinas.

Maliwanag ang posisyon ni Commodore Tarriela. Ang paglalahad ng katotohanan ay isang pananagutan . Walang ulat na itatago at walang teritoryong isusuko. Nakatindig ang Pilipinas sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.

Hindi Ito Diplomasya, Ito ay Pananakot

Lumampas na ang China sa hangganan ng diplomasya. Mula sa pahayag ng kanilang embahada, umabot ito sa hayagang babala ng Foreign Ministry ng Beijing, sa pamamagitan ng tagapagsalita nito, na ang mga opisyal  ng Pilipinas at Coast Guard ay dapat tumigil sa kanilang pahayag o pay the price. Ito ay lantad na pananakot  at hindi diplomasya. Ang naging pahayag ng Tsina sa harap ng international community ay  hindi makatarungan at isang malinaw na tanda ng pananakot at panggigipit.

Walang banta, gaano man kalakas o kadalas, ang kayang burahin ang ebidensya o pahinain ang paninindigan ng Pilipinas.

Hindi Ito Personal na Laban , Ito ay Usapin ng Soberanya

Ang isyu ay wala na sa antas ng indibidwal. Isa na itong usapin ng estado.

Nanawagan si  Senator Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs  (DFA) na tugunan ang agresibong asal ng China alinsunod sa Vienna Convention.

“Estado ang nakikipag usap sa estado,” ani Goitia. “Hindi dapat tinatakot ang mga lingkod -bayan na ginagampanan lamang ang kanilang tungkulin.”

Ito ay usapin ng dignidad at soberanya.

Ang Soberanya ay Ipinaglalaban

“Ang soberanya ay pinangangalagaan sa batas at matatag na paninindigan,” diin ni Goitia.

Ang paglalahad ng katotohanan ay hindi paninira. Ito ay disiplina. Ito ay tungkulin. At ito ay hindi hihinto.

Ang Estado ay Dapat Manindigan

Ginampanan ng Philippine Coast Guard ang mandato nito. Nagsalita si Commodore Tarriela ng may katatagan at  awtoridad. Ang tungkulin ngayon ng estado ay ipagtanggol ang sarili nitong mga institusyon.

“Tumatatag ang republika,” pagtatapos ni Goitia, “dahil hindi ito natitinag kapag hinaharap ang katotohanan.”

Walang Pag-urong

Pinagtibay ng Department of Foreign Affairs ang buong suporta nito sa mga institusyong nagtatanggol sa soberanya, karapatan, at hurisdiksyon ng bansa. Kasama nito ang sambayanang Pilipino na hindi natitinag sa harap ng pananakot.

Tiyak ang mensahe

Ang pananakot ng China ay mariing kinokondena.

Ang katotohanan ay hindi maaaring patahimikin.

At ang Pilipinas ay hindi uurong.

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY). Siya ay may hawak na Juris Doctor at Doctor of Philosophy (PhD), gayundin ang mga advanced degree na MNSA, MPA, at MBA, bukod pa sa iba. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …

Ping Lacson Martin Romualdez

Lacson: ‘hindi enough’ testimonya ng mga saksi laban kay Romualdez

AMINADO mismo si Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi sapat ang testimonya ng mga saksi …