NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa municipal level na may kinakaharap na kasong frustrated murder sa operasyong inilatag sa Brgy. Caingin, sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Protom Guevarra, hepe ng San Rafael MPS, kinilala ang suspek na si alyas Juliet, 57 anyos, construction worker at residente ng Brgy. San Andres, Siruma, Camarines Sur.
Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong frustrated murder na inilabas ni Acting Presiding Judge Antonio Camillus Ayo, Jr., Calabanga, Camarines Sur RTC Branch 63.
Kasalukuyang nasa kustodiya San Rafael MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at proseso, bago ito pormal na i-turn over sa mga tauhan ng Siruma MPS para sa karagdagang legal na aksyon.
Ang matagumpay na operasyon ng Bulacan PPO, sa pamumuno ni P/Col. Angel Garcillano, provincial director, ay patunay ng matatag na dedikasyon sa laban sa kriminalidad. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com