Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon si Vice Ganda tungkol sa babaeng nag-video sa kanya habang naglalakad sa airport kamakailan.

Nag-viral ang video ng girl sa TikTok na makikitang nagmamadali si Vice na naglalakad habang sumusunod sa kanya ang nagbi-video .

Sabi ng girl, “Ay, si ano to, artista.. Si ano ito, artista ito. Sikat na artista sa Pilipinas. Uwi ka na ng ‘Pinas? Happy New Year.”

Tumingin naman sa kanya si Vice at nag-dialogue ng, “Happy New Year po! Hindi niyo nga ako kilala, Ate, eh.”

At least, may respeto pa rin si Vice sa girl. Kahit hindi nito nabanggit ang pangalan niya, ay binati pa rin niya ito ng Happy New Yaar, ‘di ba?

Mababasa sa post ng babae (na deleted na ngayon) ang caption na, “Nakalimutan ko name ni Vice Ganda pero namansin pa rin kahit parang nagtampo o galit.

“Ewan ko bakit nakalimutan ko name niya. EAT Bulaga ksi ang Pinapanood ko,” aniya pa.

Kasunod nito, inokray at binengga ng netizens at supporters ni Vice ang babae na

hindi nagustuhan ang ginawa.

Kaya naman sa Laro-Laro Pick segment ng It’s Showtime, biniro ni Vice Ganda ang isang contestant.

Kamukha mo ‘yung babaeng nagbi-video sa akin sa airport,” hirit ni VIce sabay muwestra sa ginawa ng babaeng nag-video sa kanya.

“‘Ay, kilala ko ito, eh, sikat ito, eh. Sikat to eh, artista to eh.’  Echoserang hindi niya alam pangalan ko, eh, kitang-kita ko siya.

“Noong nakita niya ako, sabi niya, ‘Ay, si Vice Ganda,’ tapos bini-video niya ako. 

Ayoko nang ikuwento ng buo dahil maba-bash ka lalo, ‘Day!” sabi pa ni Vice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …