Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PA
ni Rommel Placente

HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa reception ng kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong Disyembre 23? 

Ito ang kwento ni Ogie Diaz sa kanilang vlog.

Sabi ni Ogie, “May pouch bag, binigyan lahat para roon isilid lahat ang cellphone. Reguest ng bagong kasal na walang magbi-video kaya pansinin n’yo, walang lumabas (tungkol sa kasalang Zanjoe at Ria).”

Sabay-sabay na nag “oo” ang co-host ni Ogie na sina Mama Loi, Tita Jegs, at Tamerlane.

Kasi gusto ng dalawa mag-enjoy sila, magwalwal, magsuka kapag nalasing na para walang magkukuha,” say pa ni Ogie.

Say din ni Mama Loi, “Para walang mako-conscious and you can be yourself and enjoy the company of your friends.”

Pagpapatuloy ni Ogie, “Isa nga sa nag-host ng reception ay si Robi Domingo. Siyempre mga close friends ang nandoon ‘di ba?  Nandoon si Daniel Padilla, kasama si Kaila Estrada, si Kathryn (Bernardo) nandoon din, Donny Pangilinan maraming artista na naroroon.

“So habang nagho-host daw itong si Robi, ito’y kuwento lamang sa atin ano, ng isa sa mga nakasaksi roon, na habang nagho-host si Robi ay nasambit niya kay Ria na, ‘how does it feel to be Mrs. Marudo?’ and si Zanjoe naman, ‘how does if feel to be Mr. Atayde?’

“Siyempre magkakaibigan sila, so, tawanan at wala namang napikon even Zanjoe at si Ria, tawanan kasi sobrang close ‘yang mga ‘yan.

“So, pagbaba ni Robi ng entablado patungo roon sa may bar, eh, biglang (lumapit) um-approach si John Lloyd Cruz na isa rin sa mga bisita at ‘yung tagpo na ‘yun na paglapit ni John Lloyd, eh, biglang napalakas ‘yung boses ni John Lloyd kaya nakapukaw ang atensiyon ng ibang bisita.

Sabi raw ni John Lloyd (kay Robi), ‘mali ‘yung sinabi mo, in-appropriate ‘yung sinabi mo okay ba ‘yung sinabi mo na tawagin mong Mr. Atayde (si Zanjoe).

“Sabi ni Robi raw, ‘may isyu ba tayo?

“Bakit ano gusto mo mangyari (pasugod na sabi raw ni Lloydie),” tsika ni Ogie.

Sabay-sabay na komento ng co-hosts ni Ogie, baka raw nakainom at say ni Oliver Carnay, “Lasing na si John Lloyd.”

Napa-stop ‘yung mga tao at napatitig sila roon (sa puwesto nina Robi at JLC) malakas kasi ‘yung boses ni John Lloyd and to think napakalaki ng venue at tumigil nga lahat kasi malakas ‘yung boses ni John Lloyd, siyempre to the rescue si Donny kaibigan sila ni Robi, siyempre nakaalalay lang din naman ‘yung bata para whatever happens puwede siyang umawat.

Nagpanganga rin sina Enchong Dee at Elijah Canlas, si Gary V,  mga Valenciano nandoon din, so na-shock sila,” paglalarawan ni Ogie sa nangyaring sagutan nina Robi at Lloydie.

So, anong nangyari ‘nay?” tanong ni Mama Loi.

“Base sa nakakita ay nag-aabang lang si Robi kung uundayan siya ng suntok ni John Lloyd pero hindi naman nangyari kasi napakiusapan na ibigay kina Zanjoe at Ria ‘yung moment na ‘yun,” sagot ni Ogie.

Muling inulit ni Oliver ang komento niya, “Baka naman lasing na si John Lloyd?”

Sagot agad ni Ogie, “Malamang inuman na ‘yun. Kita mo walang lumabas na naggaganoon, nagtutok ng kamera.

“Si Donny ay nasigawan din ni John Lloyd, something like, ‘wag kang makialam dito ha!’

Na-pacify din pero hindi sila tsika after na na-realize rin na mali si John Lloyd o si Robi. Hindi mo talaga maiintindihan itong sitwasyon na ito kasi wala tayo roon, eh. Kaya hindi ko rin sila huhusgahan,” esplika pa ni Ogie.

Bukas ang aming pahina sa paliwanag/panig nina Robi at JLC tungkol sa isyu sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …