RATED R
ni Rommel Gonzales
SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime.
Base sa overnight NUTAM People ratings ng Nielsen Phils. noong January 5, nagtala ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ng 9.5% combined rating sa GMA at GTV–malayo sa mga katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo (6.4% combined rating sa A2Z at Kapamilya Channel) at Totoy Bato (2.8% combined rating sa TV5 at One PH). Patunay lang na bongga talaga ang suportang ibinibigay ng mga manonood at fans sa serye.
Sa online world naman, tuloy din ang usapan at theories sa mga pasabog na eksena. May mga nagbabalik mula sa nakaraan habang nagpapatuloy naman ang istorya ng mga bagong Sang’gre na sina Flammara (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali).
Ngayong linggo, haharapin naman nila ang mapanlinlang na ilusyon ni Gargan (Tom Rodriguez) sa tulong ng mga Kambal-Diwa.
Abangan tuwing weeknights, 8:05p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream, 9:45 p.m. sa GTV.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com