PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama nitong si James Curtis-Smith.
Sa post ni Anne sa kanyang IG ay sinabi nitong untimely and yet peaceful naman ang pagkamatay ng ama. Pinasalamatan niya ito at pinuri sa lahat ng aral at pagmamahal.
Walang ibang detalye na sinabi pero in-assume ng lahat na nasa Australia ito at malamang ngang doon ito ihimlay.
At dahil dalawa sila ni Jasmine na nasa showbiz, dinagsa rin sila ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho, at mga tagahanga nila.
Nakikiramay po kami sa pamilya Curtis-Smith.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com